Third Person POV
Sebastian almost dropped his phone when he heard the call that his grandmother had been rushed to the hospital. He didn’t waste a second. He immediately cancelled all his appointments and hurried out of the building.
Sumakay kaagad sa kotse at pinaharurot ito papunta sa St. Martin Medical Center.
Nakita nga ang Lola niya ngunit nasa hospital naman ito dinala.
Pagdating niya ng hospital, sinalubong siya ng amoy ng alcohol at disinfectant, at ang malamig na aircon.
"Nasaan ang room ni Maria Jill?” tanong niya sa nurse sa front desk.
"Room 305, Sir. Kasalukuyan pong inaalagaan ng doktor, wala pa rin po siyang malay hanggang ngayon,” sagot ng nurse.
Mabilis siyang nagtungo sa kwarto, halos mabangga niya na ang ilang staff sa sobrang pagmamadali.
Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa kanya ang tanawin na ayaw niyang makita. Nandito ang Daddy niya at ang kapatid ng Daddy niya. Habang ang lola niya ay nakaratay sa kama, may nakakabit na dextrose, at walang malay at maputla.
"Grandma.” he murmured.
Kaagad niyang nilapitan ito at maingat na hinawakan ang kamay nito. “Ano’ng nangyari sa kaniya?” tanong niya agad sa doktor na nasa tabi ng kama.
Sumulyap sandali ang doctor sa kaniya. "Nalason siya." tipid na sagot ng doctor.
"N-nalason?" binalingan niya ang Daddy niyang nasa tabi ng tito niya. Umiling lamang ito at ganoon din naman ang tito niya. "Paano nangyari 'yon?" dagdag na tanong niya sa doctor.
"It’s possible that a poison was mixed into her food. We’ve already sent samples to the lab for testing,” the doctor explained.
Biglang sumikip ang dibdib ni Sebastian. Nakaramdam siya ng galit.
“Do you have any idea who did this?”
tanong niya kaagad sa daddy niya.
"Wala pa kaming kumpirmasyon,” sagot ng daddy niya. “Hinihintay din namin ang impormasyon mula sa mga pulis.”
Kaagad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kakilala niyang pulis.
“Detective Ramos, this is Sebastian." pakilala niya. "Kailangan ko kaagad malaman kung sino ang naglason sa lola ko.”
Ilang segundo ang katahimikan bago sumagot ang nasa kabilang linya.
“Mr. Jill… may lumabas ng pangalan sa imbestigasyon.”
“Sabihin mo kung sino.”
“Mharimar Buret.”
Kaagad na kumunot ang noo ni Sebastian ng marinig ang buong pangalan ng kaniyang bagong assistant.
"Mharimar Buret?" pag-uulit niya pa.
"Yes, Mr. Jill."
"Damn! Can't believe she's my f*****g new assistant." naikuyom ni Sebastian ang kamao.
Sa una pa lang iba na ang kutob niya sa bago niyang assistant. Wala na siyang tiwala dito. Tapos ngayon, malalaman niyang ito pa pala ang naglason sa Lola niya.
"Prepare for this, Ms. Buret. I'll make sure na hindi ka na makakalabas sa bilangguan!" nakakuyom ang mga kamao habang sinasambit ito sa kawalan.
------
Mharimar
Napahalukipkip ako sa tabi ng mga bakal na nasa aking harapan. Nandito ako ngayon nakakulong ng hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinagbibintangan na ako ang naglason kay Lola.
Wala naman akong ginawa.
"May bisita ka." bigla naman sigaw ng pulis habang sa akin nakatingin. Kaya alam kong ako ang sinabihan niya.
Sino kaya ang bisita ko?
Nang mag-angat ako ng tingin doon ko nasilayan kung sino ang bisita ko. Halos hindi ako makapaniwalang nandito sa harapan ko ang boss ko. Unti-unti siyang humakbang palapit sa kinaroroonan ko.
Nandito ba siya para palabasin ako?
"S-sir, anong ginagawa niyo dito?" may ngiti sa aking labi. "P-paano niyo po nalaman na nandito ako? Sir, tutulungan niyo po ba ako." pagmamakaawa ko dito.
Siguro naman pumunta siya dito para tulungan akong makalabas dito.
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin habang nakataas ang mga kilay.
"So, ikaw pala." tipid na sambit niya.
Kaagad naman nagbago ang expresyon sa aking mukha.
"A-anong—"
"You’re the one who poisoned my grandmother." madiing sabi niya sa akin habang umiigting ang panga.
Hindi ko maintindihan? Sinong grandmother tinutukoy niya?
"Now I understand why you got hired as my personal assistant. What's your real intention with my family, huh, Mharimar Buret?" dagdag na sabi niya.
"S-sir, a-ano po ba ang sinasabi niyo? H-hindi ko maintindihan." napailing-iling ako. "Unang-una wala po akong nilason. Pangalawa, wala akong alam about sa pamilya niyo." paliwanag ko dito. Hindi ko pa rin maintindihan kung sino bang tinutukoy niya.
Una si Lola, ngayon naman grandmother niya. Pinagbibintangan nila ako sa bagay na hindi ko alam.
"My grandmother is in the hospital right now and she's unconscious!" madiing sabi niya habang tinitigan niya ako ng masama.
"S-sino po ba ang grandmother na tinutukoy mo?" hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
"Nakikita mo ba 'to?" Ipinakita niya sa akin ang isang litrato. Ganoon na lamang ang pagtakip ko ng aking bibig ng makilala kung sino ang nasa litrato.
"L-lola?" sambit ko habang patuloy ang pagtakip ko sa aking bibig. Hindi ako makapaniwalang related si Lola sa boss ko.
Ngayon, isa-isa kong naiintindihan kung bakit natanggap ako bilang assistant ng wala man lang kahirap-hirap. Dahil kay Lola, kaya ako natanggap.
Halos mapaupo ako sa sahig dahil sa nalaman ko ngayon.
"Kilala mo na ba siya ngayon?"
Nakalimutan ko ng nandito pa pala ang boss ko. Dahil sa pagkabigla ko para bang feeling ko panaginip lang ang lahat ng ito.
"Ipanalangin mo na walang mangyaring masama sa kaniya, Mharimar Buret dahil kapag nagkataon, hinding-hindi ka na makakalabas pa sa kulungan na kinaroroonan mo!" madiing sabi niya.
Biglang nanginig ang aking mga tuhod. Wala akong ginawa kay Lola.
"Mr. Jill..." naiiyak na sambit ko. Ayaw kong makulong dito. Wala akong kasalanan.
Tinalikuran niya na ako kaya nag-umpisang tumulo ang aking mga luha.
"Mr. Jill! Palabasin mo 'ko dito! Wala po akong kasalanan!" pagsisigaw ko habang siya ay patuloy na humahakbang palayo. Hindi niya ako pinakinggan.
Ang sama naman ng kapalaran ko. Nag-uumpisa pa lang gumanda ang buhay ko pero ito kaagad ang kapalit.
"Hoy! Tumayo ka diyan!" napatingala ako ng may magsalita sa aking harapan. Isang babaeng mataba, maiksi ang buhok habang nakapameywang sa harapan ko.
"A-anong kailangan mo?"
"Tumayo ka diyan. Huwag ka magbuhay prinsesa dito dahil pare-pareho lang tayo dito sa loob ng kulungan. Maglinis ka ng banyo para may pakinabang ka!" sigaw niya sa akin.
"B-bakit ko gagawin 'yon? Hindi pa nga ako nakakagamit ng banyo."
"Aba, ang tapang mo ah? Sumasagot ka pa. Lahat ng bago dito dumadaan sa paglilinis ng kubeta. Kaya kung ayaw mo baka gawin pa kitang lampaso sa sahig." nagulat na lamang ako ng bigla niya akong higitin patayo.
"B-bitawan mo 'ko."
"Maglilinis ka ba o ingungudngod ko 'yang pagmumukha mo!"
Hindi kaagad ako nakasagot. Blanko pa ang isip ko hanggang ngayon.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ako sa loob ng bilangguan. Kahapon lang ang saya saya ko dahil natanggap ako sa mataas na position pero ito ako ngayon. Sa isang iglap nandito sa loob ng presinto.
Naramdaman ko na lamang ang pagsakit ng sikmura ko. Sinuntok niya na pala ako. Halos mawalan ako ng malay sa sakit na naramdaman ko.
"Ayaw mo sumunod sa utos ko ha?" muli niya na naman akong sinuntok at sinabunutan pa ang aking buhok. Sa pagkakataong ito, hindi na lang siya ang nakahawak sa kamay ko kundi may dalawa na siyang katulong na nakahawak sa aking mga braso.
"Hawakan niyo. Bibigyan natin ng leksyon. Ki-bago pa dito nag-iinarte na. Baka akala niya prinsesa siya sa pinasukan niya. Hoy, babae, lahat ng pumapasok dito dumadaan muna sa butas ng karayom kaya ikaw huwag kang magtapang-tapangan." muli niya na naman akong sinuntok. Sa pagkakataong ito ay tumama sa braso ko ang suntok niya.
Pakiramdam ko nalamog ang aking katawan.
Pabalang nila akong binitawan kaya naman bumagsak ako sa sahig.
Ang hapdi ng mga sugat ko sa braso at nananakit din ang sikmura ko.
Naiyak na lamang ako habang yakap-yakap ang aking mha tuhod.
"Ayos ka lang?"
Nag-angat ako ng tingin ng marinig kong may nagsalita sa tabi ko.
"Dapat kasi sinunod mo na lang yung utos ng mga batugan na 'yon. Nakatanggap ka pa tuloy ng parusa. Kawawa ka naman." sambit niya. "Ako nga pala si Colet." pakilala niya sa akin. Kahit papaano ay may mabait pa rin akong nakilala dito. "Ikaw?"
"M-Mharimar." pakilala ko rin dito.
"Masanay ka na sa mga tao dito. Ako nga nasanay na lang. anaging matapang at naging matibay ang sikmura." aniya.
Napailing ako. "Wala akong kasalanan. Napagbintangan lang ako."
"Ganoon naman talaga kapag wala kang kapangyarihan para itanggol ang sarili mo. Kahit wala kang kasalanan madidiin ka pa rin dito. Basta lang may masisi silang tao o may maparusahan sila, wala silang pakialam."
Tumulo ang luha ko. Pareho pa yata kami ng kapalaran ni Colet.
Nakatulog akong mahapdi ang sikmura at tiniis ang pananakit ng mga braso.
Kinaumagahan...
"Ms. Buret..."
Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata.
"Gumising ka na diyan!" narinig kong sigaw ng pulis.
Bumangon ako sa kinahihigaan kong karton.
"B-bakit ho?" tanong ko dito.
"Lumabas ka na."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. "A-ano ho?"
"Malaya ka na. Kaya lumabas ka na diyan." muli ay sabi niya. Ngayon maliwanag na sa akin ang aking narinig. Walang mapagsidlan ang aking tuwa dahil sa wakas makakalaya na ako.
Totoo ba talaga 'to?
"Ano pa tinatayo mo diyan? Ayaw mo bang lumabas diyan?" tanong nito. Bago pa magbago ang isip niya, inihakbang ko na ang aking mga paa palabas ng kulungan.
Paglabas ko, napansin ko ang dalawang lalaking nakatingin sa akin.
"May sundo ka." sabi ng pulis sabay turo sa dalawang lalaki na nakatingin sa akin.
"Ho? H-hindi ko ho sila kilala." kinakabahang sabi ko.
Baka mamaya, kaya pala nila ako pinalaya para patayin.
"S-sir, h-hindi ho ako sasama sa kanila. Please, h-huwag niyo ho ako ibigay sa kanila."
"Ayaw mo bang lumabas sa kulungan? Gusto mo bang bumalik sa bilangguan, Mharimar Buret?"
Umiling-iling ulit ako. Mas lalo akong kinabahan ng lumapit na sa akin ang dalawang lalaki. Ganoon na lamang ang pagtayo ng mga balahibo ko ng hawakan nila ang aking braso.
"Please...a-anong gagawin niyo sa akin? S-sino kayo? Hindi ko kayo kilala bakit akonsasama sa inyo?"
"Sumama ka na lang sa amin, Miss. Wala kaming gagawin sa 'yo pero ang boss namin meron." bulong nito sa akin kaya mas lalong nangibabaw ang kaba sa dibdib ko. Sinubukan na nila akong hilahin palabas ng department.
Jusko! Mukhang ma-sa-salvage pa yata ako.
Huwag naman sana.
"Bitawan niyo 'ko. Please...sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sa akin—ahh!!" napahiyaw ako dahil nahawakan nila ang pasa ko sa braso. Ang sakit. Kahapon, pinagsusuntok ako pagkatapos ito na naman ako, hindi alam kung saan dadalhin ng mga lalaking ito.
Tuluyan na nga kaming nakalabas ng department. Hinila nila ako patungo sa sasakyang itim. Binuksan nila ito at pinapasok nila ako sa loob.
Umiling ako. "Ayaw ko."
"Pumasok ka na."
Muli ay umiling ako. Ngunit itinulak nila ako kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok na lamang sa loob. Pag-upo ko ay kaagad kong napansin ang lalaking nakaupo rin sa tabi ng kinauupuan ko dito sa back seat. Unti-unti kong binalingan ito at tiningnan ang mukha. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang si Mr. Jill ito.
"M-Mr. Jill?" sambit ko. "A-anong ginagawa niyo dito?" sinuyod ko ang kabuuan ng sasakyang kinaroroonan ko. Nasa unahan na ang dalawang lalaki na humila sa akin papunta dito.
"I-ibig ba sabihin nito pauuwiin niyo na ako?" bahagyang sumilay ang ngiti sa aking labi. Kanina lang ay kinabahan ako dahil hindi ko kilala ang mga lalaking humila sa akin pero ngayong nakita ko si Mr. Jill para bang nabawasan ang kaba sa dibdib ko.
Nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko at pinisil ito.
"A-ahh!" napahiyaw ako sa sakit.
Tinitigan niya ako ng masama habang umiigting naman ang kaniyang panga.
"Sa tingin mo ba ganoon lang 'yon, Ms. Buret?" mas lalo pa humigpit ang pagkakapisil niya sa pulsuhan ko.
"N-nasasaktan po ako, Sir." nakangiwing sabi ko.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.
"A-ano bang gusto niyo? Ano bang kailangan niyo sa akin? Hindi pa ba kayo nakontento sa nakikita niyo ngayon?" baling ko sa mga pasa ko sa aking braso.
Naningkit ang kaniyang mga mata. Alam kong napansin niya ang mga pasa ko sa braso.
"Wala akong pakialam kahit mamatay ka pa sa sakit, Mharimar Buret! Gusto kong makitang nahihirapan ka. Kaya dadalhin kita sa lugar kung saan hindi mo na maatim pa na mabuhay dahil kahit ikaw mandidiri na sa sarili mong katawan!" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"A-anong ibig niyo sabihin?"
Hindi niya na ako sinagot pa. Inutusan niya lang ang isang lalaki na paandarin ang kotse.
Kung kabado ako kahapon. Mas lalo pa akong kinabahan ngayon dahil hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.