8 PROBLEMA

2297 Words
Mharimar's POV "Ang sakit ng ulo ko." sapo ko ang aking noo dahil sa sakit nito. Parang pinupokpok ng martilyo. Natigilan ako ng unti-unting nag-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi. "Lola, buti naman po napadalaw kayo dito." "Oo, kasi gusto kitang yayain—" hindi niya natapos ang pagsasalita dahil abala ito sa paghalughog ng dala nitong bag. "Ano po ba hinahanap niyo, Lola?" "Ito." Nanlaki ang mga mata ko ng ilabas niya ang bote ng wine. "L-lola, bumili kayo ng wine?" halos hindi makapaniwalang sabi ko. Umiling-iling ito. "Nakita ko lang naman ito sa basurahan, iha. Gusto ko sana tikman kaya pinuntahan kita dito para yayain uminom." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Lola. Kawawa naman si Lola, namumulot pa sa basurahan. "Gusto niyong uminom, Lola? Sigurado ba kayong kaya niyo pa uminom ng alak?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. "Matibay pa ang aking sikmura, iha. Kayang-kaya ko ito. Isa pa, hinahanap ito ng katawan ko. Kaya sana hindi mo ako bibiguin." nakangiting sabi niya sa akin. Paano pa ba ako makakatanggi ngayong ang tamis na ng ngiti niya sa akin. Isa pa, siya ang dahilan kung bakit may trabaho na ako ngayon. Kaya naman napagpasyahan kong pagbigyan na lamang si Lola sa kagustuhan niya. Binuksan nito ang wine. Habang ginagawa ni Lola iyon para bang sanay na sanay na. Alam niya kung paano ito buksan. Hindi ko talaga akalaing ganoon lang kabilis para kay Lola 'yon. Sa edad niyang ito dapat hindi na siya umiinom. Pero talagang mapilit. "Iha, ako na ang mauuna." napaawang na lang ang aking labi ng makitang nilagok nito ang laman ng baso. "Lola, sigurado ba talaga kayo dito? Baka kung mapaano kayo." nag-aalalang tanong ko. Kinakabahan kasi ako. Baka kung ano pa mangyari sa kaniya dito. "Huwag kang mag-alala sa akin, iha. Hindi naman ako mamamatay sa simpleng inumin na ito." nagawa pa nga niyang magbiro at ngumiti naman pagkatapos. Ibinigay naman niya sa akin ang baso. "Sa iyo na, iha." "Opo." hinawakan ko ang baso tsaka ito unti-unting inilapit sa bibig ko. Tinakpan ko pa nga ang ilong ko ngunit ng nalasahan ko, nanlaki bigla ang mga mata ko. Nagustuhan ko ang lasa dahil manamis-namis. "Sabi ko naman sa 'yo, iha masarap 'yan." "Oo nga po, Lola." Nilagok ulit ni Lola ang kasunod na baso tsaka naman sa akin. Ilang beses namin ginawa iyon hanggang sa mag-iba na nga ang pakiramdam ko. Nahihilo na ako pero itong si Lola mukhang hindi man lang yata tumalab sa kaniya. "Ayos ka lang ba, iha?" bulong niya sa akin. Nag-thumbs-up naman ako. "Ayos na ayos po ako, Lola." sagot ko kahit na umiikot na ang paligid. Kinurap-kurap ko na lamang ang aking mga mata ngunit ganoon pa rin. "Iha, lasing ka na. Natalo pa yata kita." asar niya sa akin. "Hindi pa ho ako lashing, lola." kinuha ko ang baso tsaka muling nilagok ang laman niyo. Hindi ko alam kung bakit natawa si Lola. "Baka hindi ka na makapasok bukas sa trabaho mo." aniya. "Hindi ho, Lola kayang-kaya ko pa. Isa pa, hindi uubra sa akin yung mayabang, arogante at masungit kong boss. Kapag tinanggal niya ako mawawalan siya ng magandang assistant." Hindi ko alam kung bakit natawa si Lola. Maganda naman talaga ako. Mas lalo lang umikot ang paningin ko kaya nasapo ko na lang ang noo ko. "Lola, dito na po kayo matulog. Para kasing hindi ko na kayo kayang ihatid sa labas." napatayo ako. "Matutulog na ho ako. Hindi ko na kaya." Sa pagtayo ko muntikan na akong matumba kung hindi nga lang nahawakan ni Lola ang braso ko. Nakakahiya, ako itong mas bata pero ako pa itong nalasing at inaalalayan ni Lola patungo sa aking kwarto. ---- Napabalikwas ako ng bangon ng makita ang oras. Nanlaki kaagad ang aking mga mata. Jusko! 7: 30 na? Totoo ba talaga 'yan? Naku! Paano na? Halos mapatakbo ako sa banyo. Nagmadaling maligo. Paglabas ko ng banyo 7:40 na kaya halos liparin ko na ang drawer para lang makapagpalit na kaagad ng uniform ko. Hindi ko na nga nagawang magsuklay. Paglabas ko ng kwarto narinig ko pa ang sigaw ni Lola. "Iha, mag-kape ka muna!" Napalingon ako sa kinaroroonan ni Lola. May hawak siyang tasa. Dito nga pala siya natulog kagabi. "Late na po ako, Lola. Mamaya na lang po pag-uwi ko!" sigaw ko tsaka tinakbo na kaagad ang pinto. Naku! Sigurado akong patay na naman ako sa boss ko. Bakit ba kasi hindi tumunog 'yong alarm clock ko? Mabuti na lang may dumaan kaagad na jeep kaya nakasakay rin kaagad ako. Halos pasado alas otso na ng dumating ako sa office desk ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakapasok pa ako. Akala ko kasi tuluyan na akong tinanggal ng boss ko. "Ms. Buret bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Mr. Jill." bigla naman lumitaw sa harapan ko si Ms. Reyes. "P-pasensya na, traffic kasi." "Anong traffic? Lumakad ka doon sa office ni Mr. Jill. Sigurado akong parurusahan ka nun dahil hinahanap niya kanina ang confidential files na ipinatago niya sa 'yo kahapon." Natampal ko ang aking noo. "Oo nga pala. Nandito lang naman sa kabinet 'yon." hinanap ko yung confidentials na ipinatago nila sa akin kahapon. Mabuti na lamang hindi ko nakalimutan kung saan ko naitago. "Lumakad ka na. Ibigay mo 'yan kay Mr. Jill. Kanina pa niya kailangan 'yan. Bilisan mo na. Ihanda mo na rin 'yang sarili mo dahil katakot-takot na sermon ang aabutin mo ngayon." Napakamot na lang ako sa ulo. "Bilisan mo na, Ms. Buret." "O-opo, Ms. Reyes." Kaagad ko naman tinahak ang opisina ng boss ko. Wall lang naman ang pagitan namin kaya ilang segundo lang nasa tapat na 'ko ng pintuan ng office niya. Kumatok ako ng mahina. Maya maya lang ay narinig ko ang boses ng boss ko. Huminga akong malalim bago tuluyang binuksan ang pintuan. Sana lang hindi niya ako masermunan. Pagpasok ko ay kaagad akong ngumiti kahit hindi pa siya nakatingin sa akin. "Good morning, Sir." bati ko dito habang suot ang napakalapad kong mga ngiti. Kailangan kong maging positive kahit pa yung mukha niya hindi na maipinta sa inis. Nakakunot na naman ang noo niya at magkasalubong ang mga kilay. Napakabango talaga ng opisina niya. Nanunuot pa sa ilong ko ang gamit niyang perfume. Kung puwede nga lang tumambay dito buong maghapon. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Anong maganda sa umaga, Ms. Buret?" Ito na nga. Nag-uumpisa na naman siyang sungitan ako. "Maganda po ang umaga ko ngayon, Mr. Jill kayo po ba?" natakpan ko kaagad ang bibig ko dahil sa lumabas sa bibig ko. Sa halip na mabawasan ang inis niya. Hula ko mas nadagdagan pa. Pahamak talaga itong bibig mo, Mharimar. Tumahimik ka na lang please lang. Mawawalan ka ng magandang trabaho kapag palagi kang palpak. "P-pasensya na po, Mr. Jill." kaagad ko naman hingi ng pasensya sa kaniya. Mahirap na baka mag-declared na naman ng fired na naman ako. "Kanina pa hindi maganda ang umaga ko, Ms. Buret ng dahil sa 'yo. Bukod sa late ka na tatanga-tanga ka pa." "S-sorry po, Sir." napayuko ako sa hiya. "Anong oras na?" seryosong tanong niya. Nag-angat ulit ako ng tingin. Akala ko sesermunan niya na ako. Magtatanong lang pala ng oras. "Eight o'clock po, Sir." "Anong oras pasok mo?" Napangiwi naman ako. "Seven thirty po, Sir." patay na! Mukhang alam ko na kasunod nito. "You wasted a lot of minutes, Ms. Buret." mariin niya akong tinitigan. "Sorry po ulit, Sir." napayuko na naman ulit ako. "Simula ngayon, ikaw ang bahalang mag-ayos ng lahat ng papeles ko ngayong araw. Lahat ng reports, lahat ng meeting schedules, pati ‘yung files na hindi pa naayos sa archive room. Gusto kong tapos ‘yan bago ka umuwi. Hindi ka puwedeng magpatulong kay Ms. Reyes naiintindihan mo ba ako?" "P-pero, Sir? H-hindi ko pa naman po alam lahat ng 'yon." "Nagrereklamo ka?" "H-hindi naman po." "Pinasok mo ang trabahong ito kaya dapat lang alam mo na ang lahat ng gagawin mo. Kung hindi mo kaya umalis ka na." "Kaya ko po, Sir." Pwes, kakayanin ko. "Good,” sabi niya. Naglakad siya papalapit sa akin kaya medyo napaatras ako. Tumigil siya sa harapan ko, sobrang lapit na namin sa isa't isa kaya naman mas lalong nanuot sa ilong ko ang pabango niya. “One more thing,” bahagyang bulong niya sa akin. Magkalapit na ang aming mga mukha. “Next time you’re late, don’t bother coming in...because you're fired.” Natigagal ang aking bibig. Nag-umpisa na ulit siyang maglakad palayo sa akin. Bumalik siya sa kaniyang desk at muling tumingin sa akin. "You may go, Ms. Buret." Tumalikod na kaagad ako para lumabas na sa opisina niya. "Wait..." Natigilan ako ng bigla na naman siyang nagsalita. Humarap kaagad ako sa kaniya. "Ano po 'yon, Sir?" "Prioritize my schedule and submit it to me right away." Kahit tagilid ako. Um-oo pa rin naman ako. Ano ba kasi itong pinasok mo, Mharimar? Mabilis pa sa alas kuwatro na tinahak ko ang desk ko. Tiningnan ko kaagad lahat ng document na nasa desk ko at mga files. Hinanap ko ang schedule ni Mr. Jill. Nasaan na ba kasi 'yon? Paano ko naman malalaman schedule niya 'diba? Mukhang kailangan ko si Ms. Reyes. Pero paano? Ang sabi ni Mr. Jill hindi ako puwedeng magpatulong kay Ms. Reyes. Bahagya akong umusog para silipin si Mr. Jill sa opisina niya. Abala naman na ito sa ginagawa niya kaya pasimple kong tinawagan si Ms. Reyes gamit ang telepono. "Hello, Ms. Reyes, puwede ka bang pumunta ngayon dito sa desk ko? Kailangan ko lang ng tulong mo about sa schedule ni Mr. Jill." "Mali ka yata ng tinawagan, Ms. Buret." T-teka? Bakit boses ni Mr. Jill? "M-Mr. Jill?" "Yeah, ako nga." Napangiwi na lang ako sa kalokohan ko. Muli kong tiningnan sa notes yung landline na tinawagan ko. Tama nga, executive office pala ang tinawagan ko. "Sorry po, Mr. Jill." Kaagad kong ibinaba ang telepono. Personal ko na lang na pupuntahan si Ms. Reyes. Bago pa man ako masermunan na naman ni Mr. Jill ay umalis na kaagad ako sa aking desk. Mabuti na lang at nakita ko rin kaagad si Ms. Reyes. Isinama ko muna siya sa aking desk para magpatulong muli sa dapat kong gawin. Jusko! Halos mabaliw ako sa discussion ni Ms. Reyes sa akin. "Araw-araw mo itong gagawin, Ms. Buret. Alamin mo ang meeting at appointment ni Mr. Jill. May araw na nakikipagkita siya sa family niya kaya puwede mo siyang tanungin about sa ganoong bagay." Tumango na lamang ako. "Kapag nakabisado mo na ang paggawa sa isang araw ng kaniyang schedule. Puwede mo na rin gawin ang schedule niya sa isang linggo. Make sure lang na tama ang mailalagay mo. Dahil kapag nagkataon, baka magkakasabay-sabay ang appointment ni Mr. Jill." "Opo, Ms. Reyes. Tinatandaan ko po lahat ng mga sinabi niyo sa akin. Sa wakas ay natapos ko din ang schedule ni Mr. Jill sa araw na ito. Maya maya lang ay tumunog ang telepono. Kaagad ko naman na sinagot ito. "Ms. Buret." boses ni Mr Jill ang nasa kabilang linya. "Po, Sir? Nagawa ko na po ang schedule niyo for today." "Cancel all my appointments for today. Just ask Ms. Reyes for help. Kailangan kong umalis." iyon lamang ang sinabi ni Mr. Jill tsaka nito ibinaba ang telepono. Bumagsak na lamang ang mga balikat ko. Kung kailan tapos ko ng magawa ang schedule niya, kailangan ko na naman i-cancel ito. Maya maya lang ay lumabas ng opisina si Mr. Jill at para bang nagmamadali ito. "A-ano kaya nangyari doon?" tanong ko kay Ms. Reyes. "Baka may problema na naman about sa family niya. 'Yon naman palaging problema ni Mr. Jill. Yung grandmother niya kasi palaging lumalayas sa kanila at minsan hindi nila ito nakikita kung saan pumupunta. Baka naman ganoon pa rin problema niya katulad ng mga nakaraan niyang problema." sagot ni Ms. Reyes. Napatango na lamang ako. Dahil kailangan ko na naman gumawa ng panibagong schedule para bukas. Pinag-aralan ko muna lahat at nag-kolekta rin ako ng mga impormasyon. Sa wakas! Nagawa ko rin ang schedule ni Mr. Jill for tomorrow. Dapat talaga laging advance. Pagod na pagod akong umuwi ng bahay. Hindi naman katawan ko ang napagod kundi ang utak at isip ko. Nasa tapat na ako ng apartment ng mapansin kong maraming tao sa labas nito. May police car pa na nakaparada dito. A-anong meron? Binilisan ko ang paglalakad para lang magtanong kung anong nangyayari? Nilapitan ko kaagad ang isang police. "S-Sir? A-ano po ang nangyayari? B-bakit ho nandito kayo sa labas ng apart—" "Ikaw ba ang nakatira sa apartment na ito?" "O-opo, ako nga po." "Sumama ka sa amin." "Ho? B-bakit ho?" "Kilala mo ba yung matandang pinatulog mo dito kagabi?" tanong nito sa akin. Kaagad naman akong tumango. "S-si Lola?" napakamot ako ng ulo. Ilang beses na ba kaming nag-usap ni Lola ngunit hindi ko pa rin alam pangalan niya. "Nalason siya. Ngayon...ang tinuturo ng pamilya niyang lumason ay ikaw." "A-ano?" "Kaya sumama ka na sa amin." "T-teka lang. H-hindi ko po magagawang lasunin si Lola. Nag-inom lang kami kagabi. Yon lang naman po ang ginawa namin kagabi." paliwanag ko. "Sumama ka na lang sa amin sa presinto." "Ho?" Jusko! Hindi ako puwedeng makulong. Paano nangyari 'yon? Paano nalason si Lola? Kamusta na kaya siya? "Sir, kamusta po si Lola? Nasaan po siya ngayon?" sa kabila ng lahat, nagawa ko pa talagang kamustahin si Lola kahit na ganito na ang kalagayan ko. "Nasa hospital siya ngayon nagpapagaling. Kapag may mangyari sa kaniya ikaw ang sisisihin ng pamilya nito at habang buhay ka nilang ipapakulong." "A-ano?" Para bang nanlambot ang katawan ko sa aking narinig. Gusto ko lang naman makatulong sa pamilya ko pero bakit ganito? Makukulong pa yata ako ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD