Mharimar's POV "Maawa ka, pakawalan mo 'ko dito." pagmamakaawa ko kay Kevin na ngayon ay inaayos ang mga kagamitan niya para alisin ang batang nasa sinapupunan ko. "Huwag ka ng magmakaawa pa, Mrs. Jill. Kahit na anong pagmamakaawa pa ang gawin mo. Hindi na magbabago pa ito." "Mga hayop kayo! Walang kasalanan ang mga batang nasa sinapupunan ko. Mga walang hiya! Dapat sana mamatay na kayo!" Tinawanan lamang niya ako. "Dapat siguro maunang mamatay ang asawa mo. Siya ang may kagagawan nito. Siya ang nag-utos. Sinusunod ko lang naman ang utos niya. Kaya hindi ka dapat nagagalit sa akin kundi doon sa asawa mo." Iiling-iling na sabi nito. "Ang malas mo lang, walang puso yung napangasawa mo. Akalain mo, kaya niyang ipalaglag ang nasa sinapupunan mo. Isa lang ibig sabihin nito. Ayaw niyang

