Third POV Tahimik ang buong opisina nang biglang bumukas ang pintuan. Dumeretso sa loob si Serene, hindi na nagawang kumatok. Nakasuot ito ng fitted dress na lalong nagbigay kurba sa magandang hubog ng katawan. Dahan-dahan siyang lumapit kay Sebastian, na abala sa pagbabasa ng mga dokumento sa office table nito. Hindi man lang nagawang mag-angat ng tingin ni Sebastian. Hanggang sa makalapit siya dito. Pumuwesto siya sa likuran nito at hinaplos ang balikat. “How’s my love? You’re pushing yourself too hard with all this office work. Hindi ka na nagpapahinga." Hindi sumagot si Sebastian. “Nakausap mo ba ulit si Mharimar?” tanong ni Serene. Mas lalo itong yumakap sa likuran ni Sebastian. Nag-angat ng tingin si Sebastian, malamig na titig ang ibinigay nito sa kaniya. Tumaas rin ang

