Mharimar's POV "What is it?" untag ng asawa ko. Natigilan ako ng ilang minuto dahil nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha. Tama bang sabihin ko sa kaniya ito ngayon? "Mharimar?" dagdag pa niya. "Anong sasabihin mo?" "Uh—huh? W-wala, sasabihin ko lang sana na kung puwedeng sumama bukas?" "Saan?" "Sa opisina mo." Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ito sa labi niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Sure, why not? Isa pa, gusto rin naman kitang kasama sa opisina ko. Gusto ko palagi kitang nakikita. Parang ayaw na nga kitang iwan dito. Iiwan man kita dito dapat may kasama ka. That’s why next week, I’ll hire a maid to stay with you. And the week after, we’ll be moving.” nakangiting sabi niya. "Moving? Saan?" "You'll know soon." sabi niya habang malapad it

