Mharimar's POV Napasinghap ako nang makita kong muling sinuntok ni Sebastian ng sunod-sunod ang lalaki. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang nakatitig sa duguang mukha ng lalaki ni Serene. Napatakip ako ng bibig, halos hindi makagalaw. Nanlaki na lamang ang mga mata ko. Hanggang sa bumagsak ito ng bitawan ng asawa ko. Humandusay ito sa sahig at tila naubusan na ng lakas. Natigilan ang asawa ko tsaka unti-unting bumaling sa akin. Ang galit na galit niyang mukha ay napalitan ng pag-aalala. Humakbang siya palapit sa akin. "S-Sebastian..." napailing ako. "H-hindi ko gustong—" hindi ko na naman natapos ang pagsasalita ng bigla niyang tawirin ang pagitan namin. Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinahaplos ang likod ko. "Shh...nakita ko lahat. Hindi mo kailangan magpaliwanag. N

