Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa bakanteng silyang nasa harap nito. Kahit na nagagalit at nasasaktan sa mga ikinikilos ng asawa, ayaw naman niyang tuluyan itong magalit sa kaniya. Hindi niya kakayanin kapag naging tama ang kutob niya. "I'm sorry, mahal ko," mahina niyang wika nang makaupo sa harap nito. Mula sa menu ay tinapunan lamang siya ng tingin ng lalaki ngunit agad ring ibinalik ang mga mata sa hawak. Nang may lumapit na waitress sa kanila ay sinabi na nito ang mga pagkaing o-order-in. Ito na rin ang nag-order ng pagkain para sa kaniya. "Galit ka pa ba?" halos pabulong niyang tanong. Tinitigan siya nito bago nagbuga ng hangin. "Huwag mo nang uulitin iyon. Nakakahiya sa mga tao sa paligid." Napalunok siya nang mapansin ang paraan ng pagsasalita nito—matigas at walang pagla