KUNG kailan ilang araw na ang nakalipas, saka nag-text si Darius at nagsabi na hindi pa siya makakabalik. Sinabi niya na madami daw siyang trabaho na kailangang tapusin. Parang ang hirap paniwalaan kung totoo ba ang dahilan niya, kahit ba weekends, nagtatrabaho pa din siya? Pakiramdam ko tuloy, may ginagawang milagro ang magaling kong asawa. "Malungkot din ba kayo?" tanong ko sa kambal na naglalaro sa kama. Sumagot sila kaya napangiti ako. "Namimis niyo na ba si Daddy?" "Hindi na niya tayo naalala..." Sumimangot si Dahlia kaya mahina akong natawa. Bigla namang umiyak si Darienne kaya agad ko siyang kinuha. "Naku, busy lang ang daddy niyo..." bawi ko. Wala naman akong planong siraan siya sa mga anak niya kahit pa inis na inis na ako sa kaniya. "OKAY ka lang? May sakit ka