"GOOD morning, baby!" masigla kong bati sabay kapa ko sa kaniyang noo at leeg, upang tignan kung bumaba na ang kaniyang lagnat. Imbes na batiin din ako pabalik, sinimangutan niya ako. "May sinat ka pa..." anas ko. "Paano ako gagaling, ayaw mo naman kasi akong gamutin... Tinulugan mo ako," reklamo niya. Tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat saka tumawa. "Ikaw talaga. Ilang gabi kaya na hirap akong matulog dahil sa'yo, sobrang antok na talaga ako kagabi. At saka, di ba, sinabi ko naman sa'yo na bawal pa?" malambing kong paliwanag. Mas lalo lang siyang sumimangot. Aba inaartehan na niya ako, huh. Porket bati na kami. "Sabi ko naman sa'yo na walang penetration." Ngumiwi ako. Kung matitiis niya na wala, baka ako, hindi makatiis. Kaya mas mabuti na lang na huwag umpisahan. Kailangan