PINUNTAHAN ko si Daddy kinaumagahan sa mansyon, pero ang sabi ni Lola ay maaga siyang pumasok sa kapitolyo. Alam kong busy siya sa trabaho pero hindi talaga matahimik ang aking isip, kaya naman sinundan ko siya hanggang doon. Si Darius ang naiwan sa mga bata. Si Mommy naman ay nagpunta ng farm. Nasa meeting daw si Daddy, sabi ng sekretarya niya. Puno daw ang kaniyang schedule sa buong araw, hanggang gabi. Nag-iwan na lang ako ng note para sa kaniya. Na tawagan niya ako kapag nakauwi na siya. Umuwi na lang ako at ginugol ang oras kasama ang mag-aama ko. Nag-browse din kami ng ilang theme ng wedding sa internet. Hanggang ngayon wala pa ako gaanong idea, sa kung ano ang gusto ko. Amanda and Camila promise to help. Si Rhiannon naman ay nag-offer ng tulong, about the prenup vide