8

1859 Words
Chapter Eigth Hindi ko na nakita si Evan paglabas ko ng banyo. Kaya naman lumakad na ako pabalik kina Manang Mariana. Tuloy ang raffle. Umaasa ang ginang na mabunot siya pero hindi pinalad. "Malas!" himutok nito habang naglalakad kami pabalik sa tricycle nila. "May balat ka ba sa pwet, Kady?" "Po? Wala naman po, Manang." Tugon ko rito. Feeling ko tuloy ay ako ang sinisisi nito dahil hindi ito nabunot sa raffle. "Hayaan mo na, Mariana. May susunod pa naman... sa birthday ni governor." "Matagal pa iyon. Gustong-gusto ko pa naman no'ng mga appliances." Lumulan na ako sa tricycle. Gano'n din naman ang mga ito at bago pa maging masikip ang daan ay umalis na kami. "Uwi na kami, mister. Ingat ka sa work mo." Bilin ko rito. "Misis, pauwi na rin ako. Pero mauna na kayo. Sasabay na lang ako kay Jek." Tukoy nito sa pinsan nito na siyang may-ari ng motor at minsang sumusundo rito. Pagdating sa bahay ay nagsaing na rin ako. Marunong na ako. Ulam na lang ang wala. Nang dumating naman si Evan ay may dala na itong lechong manok. "Misis!" excited na ani nito. Sabay pakita ng dala nito. Nakapag-grocery na ang lalaki tapos dinukot nito ang bulsa at kinuha roon ang isang sobre. "Sahod ko, misis. Nag-withdraw na ako para may magamit tayo. Gusto mo bang ikaw na rin ang humawak ng ATM ko?" "Ha? Hindi na. Ikaw na, Evan." Tinanggap ko ang perang iniabot nito sa akin. "Magkano sa family mo?" agad kong tanong. Natigilan si Evan sa tanong ko. "Misis, compute-in muna natin ang budget natin dito sa bahay saka tayo mag-decide ng para sa kanila. Kung magkano lang ang sobra at hindi mabigat na ibigay ay iyon lang." "Evan, sa 'yo sila nakaasa. Kung magkano lang ang maiaabot natin... paano sila?" nagsalubong ang kilay nito. "Misis, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" sumenyas ito na umupo ako sa tabi niya. Pagkaupo ko pa lang ay nagsalita na ako. "Mas makabubuti ata kasi'y bigyan mo sila ng allowance na magagamit nila sa pang-araw-araw. Mas mapapalaki kasi ang gastos natin kung araw-araw ay kumukuha sila rito sa bahay ng lahat ng mga kailangan nila." Agad tumayo si Evan. Lumapit sa cabinet na lagayan ng stocks namin. Salubong ang kilay nitong nagtanong sa akin. "Araw-araw silang kumukuha rito?" "Oo, Evan. Hindi ko sinabi sa 'yo kasi akala ko'y paminsan-minsan lang. Pero araw-araw na kasi... inaalala ko kung paano natin iha-handle ang budget natin---" "Kakausapin ko sila." "Evan---" "May asawa na ako, Kadynce. Kailangan nilang respetuhin iyon. Kung magkano na lang ang kaya kong ibigay ay kailangan nilang tanggapin iyon. Hindi pwedeng araw-arawin ka nila rito. Kakausapin ko sila." "Baka magalit sila---" "Mas galit ako sa ginagawa nila, Kadynce. Mabait ka kaya inaabuso nila iyon." Nag-ring ang cellphone ng asawa ko. Si Nanay Eleya ang tumatawag. Sinagot ni Evan iyon at in-loudspeaker. "Anak?" "Nay?" seryosong ani ni Evan sa ina. "Anak, sumahod ka na ba? Nakauwi ka na ba? Daanan namin d'yan iyong allowance namin para makapamili na kami ng mga kailangan namin." "Kuya, Kuya, iyong allowance ko rin po." Lambing ni Erina sa kapatid. Mariing napapikit si Evan. Para itong stress na stress sa kanila. Marahan ko namang hinaplos ang braso nito. Pinakakalma siya. "Nay, alam naman ninyong may asawa na ako at nagsisimula pa lang kami. Magkano lang po ang maibibigay ko sa inyo." "At bakit? Anak, dapat bukod ang allowance namin at iyong ibibigay mo sa asawa mo. Alam mo naman na ikaw lang ang inaasahan namin. Nag-aaral pa ang dalawang kapatid mo. Sa tingin mo saan kami kukuha nang ikabubuhay namin? Anak, matanda na kami ng tatay mo." "Nay, kung magkano lang po ang sobra sa pangangailangan namin ni Kady ay iyon lang ang iaabot ko sa inyo." "Magkano iyon?" sumenyas si Evan sa akin ng lima. "5k po, nay." "Anak, naman! Allowance lang ni Erina iyon. Paano na iyong pagkain namin at bills?" napabuntonghininga si Evan. "Mapuputulan kami ng tubig at kuryente." "Nay, pupunta po ako sa inyo d'yan. Mas mabuting d'yan na po tayo mag-usap. Ipasundo po ninyo ako kay Rou." Ibinaba na nito ang tawag. "Ako naman ay hindi makikialam, Evan. Ikaw ang magdesisyon sa bagay na iyan dahil pinaghirapan mo iyang perang iyan." "May itinira ako sa ATM na 5k. Allowance ko sana iyon sa trabaho. Pero i-withdraw ko na lang pandagdag dito sa bahay. Akin na iyong 10k d'yan. Palitan ko na lang bukas." May natira pang 10k roon pagkatapos alisin ang 10k na ibibigay nito sa magulang. "Kakausapin ko sila na sa susunod ay 5k na lang ang ibibigay ko. Marami pa tayong kailangan dito sa bahay at iyong ang priority ko." "Evan, paano sila kapag kinapos sila?" worried na ani ko. "Kung kapusin sila... kailangan na nilang kumilos. Malakas pa naman si tatay at nanay. Pero simula no'ng nagtrabaho ako ay hindi na sila nagtrabaho. Ako ang pumasan ng lahat sa kanila. Tulungan din naman sana nila ang sarili nila." "Evan, may savings ako---" "Hindi natin gagalawin iyon. Sa 'yo iyon, Kady. Huwag mo ring sasabihin sa pamilya ko iyan. Matuto kang tumanggi kapag nagpunta ulit sila rito para humingi ng mga kung ano-ano. Naintindihan mo ako?" mas alam ni Evan ang dapat gawin sa pamilya niya kaya naman tumango na lang ako rito. "Sige, mister. Kausapin mo sila." Nang may bumusina sa labas ay agad nang umalis si Evan. Panay lang ang buntonghininga ko habang naghihintay ako rito. Pagbalik ni Evan ay naghain na kami ng pagkain. Gusto ko sanang magtanong kung ano ang napag-usapan nila pero nahihiya ako. "Mister, kain na tayo." Kumuha muna ito ng tubig bago naupo sa bakanteng upuan. Pasimpleng tinitignan ko ito. "Nagtalo kami sa bahay." Napatingin ako rito. "Wala ba akong kwentang anak kung lilimitahan ko ang iaabot ko lang sa kanila?" "W-hat?" Never naging issue sa family ko ang pera kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. "Wala raw akong kwentang anak dahil nakapag-asawa lang tapos bigla na lang daw mang-iiwan sa ere. Nagde-demand sila ng kinse mil kada buwan." 30k ang sahod ni Evan sa trabaho. Possible pa iyong tumaas kapag nakitaan ito nang ayos sa trabaho. Pero kung kalahati ng sahod nito ay sa amin at kalahati sa pamilya nito ay tiyak mahihirapan ang asawa ko. "Nagkasundo ba kayo sa 15k a month?" "No! Ano pang klaseng buhay ang meron tayo kung buwan-buwan ay mayroon lang tayong 15k na tira? Bahay, tubig, at kuryente. Groceries pa natin at iyong ilang kulang dito sa bahay. Iginiit ko sa kanila ang 5k saka ako umalis." Pareho kaming napabuntonghininga. "Kumain na muna tayo, mister." Kalmadong ani ko. "Gagalingan ko sa trabaho, Kadynce. Hinding-hindi mo mararanasan magutom sa akin. Ibibigay ko ang lahat sa 'yo." Inabot nito ang kamay ko at pinatakan nang halik. "Magtutulungan tayo, Evan. Kapag pinayagan mo na ako ay maghahanap din ako ng trabaho. Pero itatak mo sa isip mo... okay lang sa akin ang simpleng buhay kasama ka. Mahal kita." "Mahal na mahal din kita, misis." Hinalikan pa nito ang kamay ko saka siya ngumiti. "Pero iyong trabaho mo... saka na. Dito ka muna sa bahay." Tumango ako rito. Hindi ko muna ipipilit ang gusto ko rito. Ang dami nitong stress ngayong araw at kailangan kong unawain iyon. -- Trabaho at bahay ang naging ruta ni Evan. Nakabili na kami ng kamang pinapangarap nito no'ng tumaas ang sahod niya... pero wala pa ring nangyayari sa amin. Pagod siya lagi sa trabaho. Nauunawaan ko naman. Isa sa mga araw na kinatatakutan ko sa trabaho nito ay nangyari na. Umuwi itong may benda ang braso. "Anong nangyari d'yan?" gulat na tanong ko sa asawa. "Misis, okay lang ako. Huwag mo akong alalahanin." "Anong huwag alalahanin, Evan? Napaano iyan?" naiiyak na tanong ko sa asawa. "Nagkaroon ng engkwentro kanina. Binalak itumba si governor kaya napalaban kami." "Ano? T-ama ba ng bala iyan?" sunod-sunod na pumatak ang luha ko. "Misis, okay lang ako." Agad akong niyakap ng lalaki. "Daplis lang ito, Kady. Don't cry... stop crying." Yumakap ako rito't tuluyang napahagulhol nang iyak. "Tahan na. Daplis lang talaga ito, Kady. Okay rin naman ang mga kasama ko at si governor. Huwag mo nang alalahanin pa." "Paanong hindi ko aalalahanin. Tignan mo nga ang sarili mo. Nasaktan ka." Iyak ko rito. Napabungisngis pa ito habang ako'y takot na takot. "Huwag ka nang umiyak, misis. Kinausap ako ni governor kanina. Para raw makapagpahinga ako ay si Ma'am Gemma muna ang babantayan ko. Kilala mo ba iyon? Iyong asawa ni governor." Iyong ex-girlfriend ni Evan no'ng high school. Yes, kilala ko. Nasabi na ni Manang Mariana. "Pansamantala ay siya muna ang babantayan ko at ng ilang katrabaho. Madalas ay nasa bahay lang iyon... lalabas lang kapag magsho-shopping at makikipagkita sa mga kaibigan niya. Male-less ang trabaho ko. 7 am to 5 pm pa rin ang regular schedule. Pwedeng magbago kapag nasa out of town siya." "Kapag out of town... hindi ka makakauwi sa akin." "Gano'n na nga, misis. Nauunawaan mo naman iyon, 'di ba?" tumango naman ako. "Mas less nga naman ang panganib kapag siya ang babantayan mo." Niyakap ako nito. "That's right, Kadynce. Kasi kung kay Governor ay talagang mainit ang mata ng mga kalaban sa kanya." "Kung saan ka mas safe, Evan." "Thank you." Inasikaso ko ito ng gabing iyon. Mula sa pagkain niya hanggang sa pagbibihis. Inalalayan ko pa hanggang sa pagtulog. Kinabukasan ay mataas ang lagnat nito. Tulog na tulog ito at mataas ang lagnat. Nang tumunog ang phone niya ay dali-daling kinuha ko iyon sa charger. Governor Rosales calling... Ako na ang sumagot. "Dixon?" ani ng lalaki sa kabilang linya. "Good morning po, Governor Rosales. Asawa po ito ni Evan Dixon." Pakilala ko. Natahimik ang gobernador sa kabilang linya. "Pasensya na po at ako ang sumagot. Tulog pa po kasi si Evan. Mataas ang lagnat niya." "Ipasusundo ko siya d'yan at dadalhin sa hospital." Tugon ng lalaki. Sinulyapan ko si Evan. "Sige po. Ihahanda ko po ang gamit niya." "Sumama ka." "Yes, Governor Rosales. Thank you po." Naputol na ang tawag. Lumapit ako sa asawa ko at marahang tinapik ito. "Evan, tumawag si governor. Ipasusundo ka raw at dadalhin sa hospital. Ihahanda ko ang mga gamit mo." Bilin ko rito. "Tatawagan ko rin si Nanay Eleya." "No... don't tell them." Nanghihinang ani ng asawa ko. "Okay. Pero tiyak na makararating pa rin naman dahil sa kapitbahay natin." "Ihanda mo ang mga kailangan." "Okay, mister." Akmang aalis na ako sa tabi nito pero naabot pa rin nito ang kamay ko. "I love you, misis." "I love you too, mister." Tugon ko. Kanina ko pa naririnig sa lalaki ang mga salitang iyon. Kahit tulog ito, ay naririnig ko siyang sinasabi iyon. Nang bitawan nito ang kamay ko ay agad ko nang inihanda ang mga kailangan niya... namin. Hindi ko tiyak kung makakauwi agad kaya naglagay na ako ng ilang pirasong damit na pamalit. Pati iyong perang tinitipid-tipid namin ay dinala ko na rin. "Manang, huwag na muna ninyong sabihin kina nanay." Isinasakay na si Evan sa ambulance nang sumulpot si Manang Mariana sa pinto ng ambulance. "Ha? Nag-text na ako sa kanila." Napabuntonghininga na lang ako sa narinig na sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD