Bago makapasok dito sa loob ng kubo si Creed ay nakalabas na si Smith. "Miss me?" nakangisi niyang tanong sa akin. Nagmumukha tuloy siyang halimaw sa paningin ko. "Hanggang kailan mo 'ko ikukulong dito? Ano bang napapala mo sa pagkulong mo sa akin dito?" mahina kong tanong sa kanya na ikinahalakhak naman niya ng malakas. "There is...at hindi ako nagkamali sa ginawa kong ito. A very good news greeted me in Manila...at sa wakas ay nalalapit na rin ang tagumpay ko. Tagumpay kong maipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang ko dahil sa mga Parker." Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Sinong mga magulang mo?" Nakilala ko lamang siya dahil kay Howard. Napag-alaman kong naging malapit na kaibigan siya ni Nikay at naging kaklase sa paaralan. Ngunit ano nga ba ang motibo niya sa pag