CHAPTER 5 PLEASE FORGIVE ME

1850 Words

"C-Cedric.." Kumabog ng husto ang dibdib ko. Siya ba talaga ang nakikita ko o isa na naman ba ito sa mga panaginip ko? Sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay hindi na siya maalis-alis sa isipan ko at nadadala ko hanggang sa panaginip ko. "Maezie.."  Nagmistulang musika sa aking pandinig ang kanyang tinig. Ang mga mata niyang punong-puno ng pananabik habang nakatitig sa akin. Tangka na akong lalapit sa kanya nang matanaw ko si Howard sa kanyang likuran. "Cedric!" sigaw ko sa kanya kasabay nang pagdapa namin ni Smith. Mabilis din namang kumilos si Cedric kaya nailagan niya ang bala at siya naman ang nagpaputok kay Howard. Tinamaan niya ito sa balikat ngunit mabilis pa rin itong nakapagtago. "Let's get out of here. C'mon!" Malakas pa rin akong nahila ni Smith kahit na may tama siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD