Pagkabalik namin sa hotel room ay nakatulog na agad ako katabi si baby Remi. Si Sir Silas naman ay diretso agad sa laptop niya para magtrabaho.
Nang magising ako kinabukasan ay nagulat pa ako dahil katabi ko na siya imbis na si baby Remi. Nakatagilid ako sa kaniya habang siya ay nakaharap sa akin habang paulit ulit na hinahaplos ng palad ang likod ko.
"You are awake already," anas niya mula sa aking likuran. Lumingon ako sa kaniya at napakurap kurap pa dahil bahagya akong nasilaw sa araw na tumatagos mula sa glass wall.
Tatayo na sana ako pero hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Tiningala ko siya gamit ang aking nagtatanong na mata pero ibinaon niya lang ang kaniyang mukha sa aking leeg at bahagya akong nilapatan ng mga halik doon.
Naririnig ko pa ang bahagya niyang pagbubulong. ".... like you," rinig kong saad niya.
Kumunot ang aking noo dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya. "May sinasabi ka?" paos pa na tanong ko.
Mula sa aking leeg, umiling lang siya at hindi pa rin kumilos. Ngumuso ako at hinawakan siya sa kaniyang ulo. Hinaplos ko ang buhok niya at naririnig ko ang bahagya niyang pag-ungol.
"Bumangon na tayo, please. Gutom na kami ni baby..." anas ko. Bahagya akong napapikit nang maramdaman ko ang pagsipsip niya sa aking leeg... humapdi iyon.
"Okay," paos at tila labag pa sa loob na anas niya.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin pero hindi siya bumangon. Dumapa lamang siya at pinatanong ang pisngi sa unan habang ang kamay ay nakayakap sa unan at pumikit.
Ngumuso ako at hindi na lamang siya pinilit. Dumiretso ako sa bathroom at naligo. Nagsuot lang ako ng kulay pulang spaghetti strap dress at tsinelas. Sa ilalim ng aking dress ay suot suot ko ang Christian Dior swimsuit na ibinigay sa akin ni Faye.
Paglabas ko ng bathroom ay nasa kama pa rin si Sir Silas. This time, nakatihaya na siya at nakatakip ang braso sa mata. Ang magulong kumot ay nakalatag sa kaniyang bewang pababa dahilan para hindi matakpan ang taas kaya kitang kita ko ang mabalahibo niyang dibdib at mapintog na tiyan.
"I requested for a room service..." bigla siyang nagsalita.
Bahagya akong napaigtad dahil sa gulat. Akala ko kasi tulog na ulit siya kaya naman hindi ko inaasahan na magsasalita siya. Napahawak ako sa aking dibdib at inirapan siya nang makita ko siyang bahagyang tumawa. Nakita niya siguro ang pagkagulat ko.
"You look so sexy, babe," bati niya sa akin pagtapos ako tignan mula ulo hanggang paa. Umupo siya sa kama at tinapik iyon.
Ngumuso ako dahil naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. Kinagat ko ang aking labi at nagpanggap na wala lang sa akin ang compliment niya pero heto ako... kilig na kilig.
Lumapit ako sa kaniya pero hindi ako dumikit. Umigting ang kaniyang panga dahil sa ginawa ko bago ako marahan na hinila papalapit sa kaniya. Ang nangyari tuloy ay sa kandungan niya na ako napaupo.
Pinagmasdan ko ang kabuoan niya. Tamad na tamad siyang nakatingin sa akin pero hindian nawawala roon ang tila ba pagkaaliw sa akin. Umibis ang aking nguso kaya bumagsak doon ang tingin niya. Nakita ko ang mariin niyang pagpikit bago ang pag igting ng kaniyang panga.
Humaplos ang palad niya sa aking bewang papunta sa aking tiyan. Nagtagal iyon doon at bahagya siyang yumukod para masilip ang tiyan ko. "Hi, baby. This is Daddy. Please, tell Mommy to stop being so pretty because I can't... take it anymore," nanghihinang saad niya.
Mula sa pagkakayukod ay ipinatanong niya ang kaniyang baba sa aking balikat bago muling ibinaon ang mukha sa aking leeg. "I think Daddy met his downfall and it is... going to be her," bulong niya mula sa aking leeg pero malinaw kong naririnig ang lahat.
Mabilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa sinasabi niya. Nanlamig ang aking kamay sa kaba at taka siyang tinignan. Anong ibig niyang sabihin?
"Daddy is badly crazy for Mommy. He can't even go on a day without thinking about her..." pagpapatuloy niya ba.
Lumunok ako at napahawak sa braso niya dahil nakaramdam ako ng panghihina. Sumandal ang katawan ko sa kaniya bago ako mariin na napapikit. Nagco-confess ba siya sa akin? Kasi kung oo... sobrang nagugustuhan ko ang mga sinasabi niya.
"Daddy must be crazy, huh? What do you think?" anas niya pa habang hinahaplos ang tiyan ko.
Binalot kami ng katahimikan. Nakasubsob lang siya sa aking leeg habang ako ay nakasandal sa kaniya. Tangingang tunog ng aircon lang ang naririnig sa buong kwarto hanggang sa nagsalita na ako.
"M-May gusto rin si Mommy kay Daddy..." nanginginig pa ang boses na saad ko.
Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako. Uminit ang bawat sulok ng aking mata at maya maya lang ay nagsitulo na ang luha sa aking mata.
Pagkatapos ko pa lang magsalita ay agad siyang napaayos ng upo. Napaigik pa ako nang agad niyang sakupin ang aking bewang at iniharap ako sa kaniya. Ang paa ko ay nasa magkabilang gilid ng bewang niya. Nakaigting ang kaniyang panga habang hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Is that f*****g true?" malamig at seryosong tanong niya saad.
Kahit ganoon ang boses niya ay iba ang sinasabi ng mata niya. Kumikinang iyon at punong puno ng pag-asa na tumingin sa akin. Ngumuso ako at marahan na tumango sa kaniya.
Ilang segundo niya akong tinitigan bago ako marahas na sinalubong ng halik sa aking labi. Napaungol ako at napahawak sa kaniyang dibdib.
Unwillingly, humiwalay siya sa paghahalikan namin at ngumisi sa akin. Umungol ako bilang protesta sa ginawa niya pero marahan lang siyang tumawa bago pinadaanan ng daliri ang labi ko.
"As much as I want to make love with you I'm afraid that our baby will go really hungry," natatawa niyang saad sa akin.
Agad akong dinapuan ng hiya. Ngumuso ako at tumikhim bago nagkukumahog na umalis sa kandungan niya. Pinunasan ko ang aking pisngi bago ako umupo sa kama at pinagkutkot ang aking daliri pero agad niyang hinawakan ang aking kamay para pigilan ang ginagawa ko.
"Let's go, baby," anas niya sa akin na agad kong sinunod.
Tumayo na ako mula sa kama at agad niya naman akong hinawakan sa aking bewang upang pumunta kami sa sala ng suite.
Sa loob kami ng presidential suite kumain pero bumaba rin kami agad dahil tinawagan na ni Ma'am Nisyel si Silas. Iyak na raw nang iyak si baby Remi.
Pumunta kami sa cottage kung nasaan sila at kimi akong napanguso nang makita si Sir Theo na buhat buhat si Remi. Mapula na ang mataba nitong pisngi at ilong kakaiyak. Kinuha agad ni Silas si Remi, agad naman itong tumahan sa dibdib ng ama.
Nasa cottage ang buong Montero. Mayroon din akong nakitang matandang lalaki na naroon. Nakasuot lamang ito ng shorts. Ito na ata si Mr. Gonzales.
"It is nice to meet you, Mr. Gonzales," anas ni Silas bago inabot ang kamay sa mata para sa shake hand. Nang matapos ay ibinalik niya rin iyon agad sa aking bewang.
Nakita ko ang pagsunod ng tingin ni Ma'am Nisyel sa kamay ng anak pati ang pagtaas niya ng kilay doon. Ngumuso lang siya bago tumingin kay Sir Theo at may binulong dito dahilan para mapatingin din si Sir Theo sa kamay ni Silas na nakahawak sa bewang ko.
Bigla tuloy akong kinabahan. Hinawakan ko ang braso ni Silas at sinubukan kong tanggalin iyon pero mas humigpit lang ang pagkakahawak niya. Napanguso na lang ako.
"This is my girlfriend, Aila Ramirez," malamig na saad ni Silas sa matanda.
Agad akong ngumiti at naglahad ng kamay. "H-Hello po, it is nice to meet you po," nanginig pa na anas ko.
Nagpalabas nang magiliw na tawa ang matanda bago bumaling kay Silas. "I am pretty impress. You and your dad sure knows how to get a pretty and kind woman," anas nito bago ngumiti sa akin. "Do you also has a family business?" baling nito sa akin, nagtatanong.
Agad akong nagulat at nahiya sa tanong. Ineexpect niya ba na galing din ako sa marangya na pamilya? Paano ko sasabihin sa kaniya na dati lang akong maid na naging nanny ni baby Remi? Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Silas.
"My business is her business," sagot niya rito gamit ang matigas at malamig na boses. Umigting ang kaniyang panga.
Tumango lamang si Mr. Gonzales at hindi na sumagot pa sa sagot ni Silas. Imbis ay tumawa lang siya at may itinuro mula sa malayo. "Andiyan na ang mga anak ko. I hope you can get along with them!" masayang anas nito bago muling humalakhak.
Ang bulto ng dalawang babae mula sa malayo ay palaki nang palaki. Pinaupo ako ni Silas katabi si Ma'am Nisyel dahil doon lang ang available na pwesto malapit sa akin. Nakasimangot ito kaya lihim akong napanguso.
Umupo rin sa tabi ko si Silas kaya naman nakita ko ang mukha ni baby Remi na ngayon ay nakasimangot at may bakas pa ng mga luha. Ngumiti ako sa kaniya. "Hello, baby ko!" mahinang saad ko.
Mula sa pagkakasimangot ay unti unti siyang ngumiti. Tinaas niya ang kaniyang mataba at maliit na kamay bago hinaplos ang pisngi ko. "Mama!" irit niya bago humagikgik.
Ngumuso ako. Napatingin tuloy sa amin si Silas pero hindi ko siya pinansin. "Bakit nag-cry ang baby na iyan?" malambing na tanong ko rito.
Hindi niya ako naintindihan dahil humagikgik lang siya at nagpipilit na lumipat sa kandungan ko. Kinuha ko siya kay Silas na agad din naman niyang binigay. "Mama!" masayang anas niya bago yumakap sa aking leeg.
Nawala lang ang atensyon ko kay Remi nang napuno nang matitinis na boses ang cottage. "My God, Dad! Its so init sa labas!" anas ng babae. May sasabihin pa sana siya pero napatigil nang makita si Silas. Inipit niya ang buhok sa tainga. "Oh, hi!" anas nito sa malambing na boses.
Agad na tumikwas ang kilay ko dahil sa ginawa ng babae. Lihim akong ngumuso. Iba talaga ang nagagawa ng kapogian ni Silas.
Tumayo si Silas para batiin ang dalawang babae. Ganoon din ang ginawa ni Sir Theo pero kaming dalawa ni Ma'am Nisyel ay nanatiling nakaupo. Ang kaibahan lang naming dalawa ay nakasimangot pa rin siya at iniirapan ang direksyon ni Sir Theo.
"I am Myra and this is my sister, Louis," anas nung babaeng nagreklamo na mainit daw sa labas. "I hope we can be friends," malambing na sabi niya bago humaplos sa braso ni Silas.
Nanlaki ang aking mata dahil doon. Tumikhim ako at napanguso. Kailangan ba ng ganoong haplos kapag nakikipagkaibigan?
"If I were you I will pull that girl's hair," nakaismid na saad ni Ma'am Nisyel sa akin. Nagulat ako dahil sa sinambit niya. "Friends, huh? Friends but she sensually touch my son?" dagdag pa nito.
Nakita ko kung paano lumayo si Silas sa hawak ni Myra pero ang babae talaga ang lumalapit. Umigting ang panga nito bago bumaling ng tingin sa akin. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
Bawasan mo kasi ang pagiging gwapo mo!
"My girlfriend, Aila Ramirez," biglang saad ni Silas kaya napatingin ako sa kaniya.
Ipinakilala niya pala ako sa dalawang babae! Tumikhim ako at tumayo. Ngumiti ako bago naglahad ng kamay. "Hi, I am Aila. It is nice to meet you," saad ko.
Kita ko ang pagdadalawang isip ni Myra na tanggapin ang kamay ko. Pilit siya ngumiti sa akin bago muling binalingan si Silas at kumapit na naman sa braso nito! "Do you know how to maneuver a jetski? Can you teach me?" masaya na anas nito.
Napatingin ako kay Ma'am Nisyel nang malakas siyang tumikhim. Pinanlakihan niya ako ng mata at nginuso si Myra kaya napakagat ako sa aking labi. She wants me to stop Myra! Paano ko gagawin 'yon?
"I don't think my girlfriend will like that idea," anas ni Silas bago pilit na ngumiti kay Myra. Nakikitaan ko na rin ng iritasyon ang mata niya. Mahigpit na naka-igting ang panga at umirap pa.
Agad na naglaho ang ngiti ng babae pero binalik din agad. Tumingin ito sa akin bago plastik na ngumiti. "Ohh, you don't mind? Right? Please, I just want to learn how to maneuver the jetski!" sabi pa niya.
Tumikhim ulit si Ma'am Nisyel, this time mas malakas na sa una. Kinagat ko ang aking labi at pikit matang bumaling kay Myra.
"Ahh. Sasamahan kasi ako ng boyfriend ko magpa-check up sa ob-gyn ko. Titignan namin si baby," anas ko bago marahan na hinaplos ang tiyan ko.
Literal na nawala ang ngiti sa mukha ni Myra. Si Silas naman ay amuse na nakangisi sa akin habang si Ma'am Nisyel ay malakas na tumawa sa aking likuran. Napanguso ako dahil doon.
Lumayo rin naman si Myra sa amin. Sumunod siya sa ama at kapatid na kasama si Sir Theo habang si Silas naman ay nakangising lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa aking bewang bago ako nilapatan ng halik sa aking labi. "Good job, baby," saad niya sa akin.
Hindi na lang ako umimik. Ngumuso ako. Kinuha niya sa akin si baby Remi at may ibinulong sa akin. "Boyfriend, huh?" nakangisi na anas niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya. Muli niya akong nilapatan ng halik pero this time ay sa noo ko na bago siya bumaling sa kaniyang ina.
"Did you invite them?" tanong niya rito. Yumuko siya at hinalikan din sa noo ang ina.
Tumango si Ma'am Nisyel sa anak. "Yes, they are on their way na," sagot niya. "Can you believe that Myra girl? God, so kapal ng mukha!" dugtong pa nito.
Tinawanan lang ni Silas ang ina bago ako binalikan. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "May bisita ulit kayo?" tanong ko.
Tumango siya bago kinuha sa akin si baby Remi. "Yeah, my Mom's nephew."
"Huh?" lito kong tanong.
"My cousin, Gage Salvatore together with his wife. You will find out later, baby," sagot niya sa akin bago ngumisi.