Hindi nga nagbibiro si Sir Silas at Ma'am Nisyel nang sabihin nila na may darating silang bisita. Isang balingkinitan at magandang babae, matipuno at gwapong lalaki ang nasa harapan namin ngayon.
Ang lalaki na nagngangalang Gage ay punong puno ng tattoo ang katawan habang ang babae naman ay parang anghel ang mukha. May buhat buhat na sanggol si Gage habang si Rohesia naman ay hawak hawak ang batang nagngangalang si Ada.
"Oh goodness gracious, look at you two!" panimulang bati ni Ma'am Nisyel sa mag-asawa. Sinipat niya ang dalawa bago ito binigyan ng halik sa pisngi. "Hijo, your tats are really stunning," nakangiting saad ni Ma'am.
Napabaling ako ng tingin kay baby Remi nang naglikot siya sa braso ko. Nilingon niya ang bagong mga dating at pinagmasdan sila gamit ang kaniyang bilog, inosente at malaking mata. Mahigpit ang kapit niya sa aking damit.
"Tita..." bati ni Gage bago humalik din sa pisngi nito. "Thank you. I'm planning to get one again," sabi niya bago ngumiti rito.
"Where will you place it, then?" biglang saad ni Silas na nasa akin likuran, hapit hapit ang aking baywang. Paulit ulit na nahaplos ang kaniyang mainit na palad sa aking tiyan.
Sumulyap ako sa kaniya at nakita siyang nakangisi sa pinsan. "Probably on his back," sagot ng asawa ni Gage, hindi na siya binigyan pa ng tsansa na sumagot. Bumaling sa akin ang paningin ni Rohesia, ngumiti siya sa akin at kumaway.
Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti rin at tumango. Hindi ako makakaway pabalik dahil buhat buhat ko si baby Remi. Ang ganda at sexy ni Rohesia. Paano niya kaya na-maintain ang ganiyang katawan kahit may anak na siya.
Ganiyan din kaya ang katawan ko pagtapos ko manganak sa anak namin ni Sir Silas?
Tumawa si Gage bago hinalikan sa noo ang asawa. Tumingin silang dalawa sa akin. Ngumiti sa akin ang lalaki bago naglahad ng kamay. "Gage Salvatore, by the way. Aila, right?" nakangiti niyang saad.
Agad kong tinanggap ang kamay niya. "This is my wife, Rohesia Salvatore. I am sure you will get along so well," pagpapatuloy pa ni Gage.
Hindi na ako nakapagsalita dahil nagsalita na rin agad si Rohesia. Masigla siyang lumapit sa amin. Kinurot niya muna sa pisngi si baby Remi na agad na nagtago sa aking leeg. "Oh, super shy naman ang baby na yan!" gulat na saad ni Rohesia.
Mahina akong tumawa. "Medyo hindi siya sanay sa ibang tao," anas ko.
Napatingin ako kay Silas nang yumukod siya sa akin at bumulong. "I will leave you two here. I'm going to catch up with my cousin. I will bring Aremi with me..." saad niya.
Tumango ako at inabot sa kaniya si baby Remi. Noong una ay ayaw pa bumitiw sa akin ng bata pero kalaunan ay sumama rin sa kaniyang ama. Saglit na humalik sa aking labi si Silas bago kami iniwan ni Rohesia.
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Ang lalaki talaga na iyon!
Akala ko ay pupunain ni Rohesia ang ginawang public display affection ni Silas sa akin pero parang wala lang iyon sa kaniya. Mabuti naman dahil nabawasan nang kaonti ang hiya ko.
"Binihag ka na rin ba ng single dad?" nakangiting tanong niya sa akin. Bahagya siyang tumawa nang makita ang pamumula ng aking pisngi bago umupo sa upuan ng cottage.
Matagal kaming nag-kwentuhan. Noong una ay sobrang hiyang hiya pa ako sa kaniya pero nawala rin iyon dahil sobrang bait ni Rohesia at pinaparamdam niya talaga sa akin na hindi ako naiiba sa kaniya. Relate na relate na kami sa isa't isa.
Naputol lang ang pag-kwentuhan namin dahil umiiyak ang bunso nila ni Gage na si Zari. Buhat buhat ito ng kaniyang ama habang papalapit sa amin, kahit malayo pa lang ay malakas na itong umiiyak.
Tumawa si Rohesia habang nakatingin sa anak. Kitang kita sa mata niya ang tuwa, pagmamahal at kuntento. "Dito muna ako, Aila. Nangangailangan ang bunso ko eh," anas niya sa akin bago ngumiti.
Tumango lamang ako at ngumiti. Pinagmasdan ko siyang nilapitan ang mag-ama niya. Agad niyang kinarga si Zari bago hinalik halikan ang matambok na pisngi nito habang malambing na nagsasalita. "Saglit lang naman nawalay kay Mommy yan e..." narinig ko.
Napangiti ako. Ang ganda ganda nila pagmasdan. Lalo na noong dumikit sa kanila si Ada na galing sa pagtakbo kung saan. Tumitili ito at nagpapabuhat sa kaniyang ama na agad namang ginawa ng huli.
"Are you day dreaming, Ate?" ang boses sa likod ko ang nakapagpagulat sa akin.
Hawak ang aking dibdib, tinignan ko si Faye na nakangisi sa akin. May hawal hawak siyang shake sa kanang kamay at nakasuot siya ng pulang swumsuit kaya kitang kita ang kurba ng kaniyang katawan at kaputian.
"Hindi. Tinitignan ko lang sila. Akala ko hindi ka pupunta rito?" asik ko nang makabawi.
Humaba ang nguso niya. "As much as I want to I can't really stay in my suite. Its so boring in there. Mas okay ako rito!" sagot niya sa akin.
Inikutan niya ako para makaupo sa aking tabi. Kaya naman siya na ang nakaupo sa pwesto ni Rohesia kanina. Sumimsim siya sa kaniyang shake at nagtagal ang tingin ko roon.
Kulay pink iyon at pinong pino ang yelo. May strawberry sa taas at kita ko rin na mayaman iyon sa gatas. Napalunok ako. Gusto ko ng ganoon.
Napansin ata ni Faye ang pagtingin ko sa iniinom niya dahil tinaas niya ito sa akin. "Gusto mo, Ate? I can order for you," sabi niya sa akin.
Kinagat ko ang aking labi bago umiling. "Hindi. Salamat na lang," pagtanggi ko kahit gustong gusto ko talaga.
Iniwas ko na lamang ang tingin kay Faye at tinignan ang alon na bumubulusok ang hampas sa lupa. Napadpad ang tingin ko kay Silas na tinutulungan na maglakad si baby Remi. Nasa likod siya ni baby Remi at hawak hawak niya ang dalawang palad ng bata, mahigpit din na nakahawak ang bata sa kaniyang daliri.
Kahit hindi ko naririnig ay alam kong tumatawa si Silas. Nakikita ko ang paglabas ng kaniyang mapuputing ngipin tuwing muntikan ng madapa si baby Remi.
Naririnig ko ang hagikgik ni Remi at ang irit niya tuwing nakakahakbang siya. Tumatalbog pa ang mataba niyang pisngi tuwing tumatalon pag nasosobrahan sa tuwa.
"Kuya Silas is very masungit, Ate," sabi ni Faye sa aking tabi.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa kaniyang shake na tinutusok tusok niya ng straw.
Napakurap kurap ako dahil nakaramdam na naman ako ng pagkakatakam.
"I know you know that already. He is very masungit pero sweet din siya. He never shouted at us. He always kiss our forehead even if I said that I don't want kisses no more because, duh! I am already dalaga na!" noong una ay marahan lang ang boses niya pero nang nasa hulihan na ay bigla iyong naging mataray.
Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi alam ang sasabihin.
"He is very understanding. But, when he's mad he is for real mad. He has flaws too. Everybody has flaws, right? No one is perfect..." pagpapatuloy niya.
"I'm not saying this because he is my brother but please Ate, don't ever leave him. I know he will be devasted with you leaving him. I know out of nowhere ang 'leaving' topic pero kasi naman!" nagmaktol siya. Pinadyak ang paa bago nakanguso na tumingin sa akin, namumula pa ang mata dahil sa nagbabadyang luha.
"I don't want him to feel alone. I am always mataray to Kuya but I love him so much. I never show my affection but I love him, Ate. So, please... you two do your best for a healthy relationship," naiiyak na saad niya sa akin.
"I love you for my Kuya. But, I love you rin as you Ate Aila," sabi niya sakin sabay ng pagtulo ng kaniyang luha. "You are the Ate that I have ever wanted since I was a child."
Hindi ko inaasahan ang hikbi na lumabas sa aking bibig. Napatakip ako sa aking nanginginig na labi dahil naging sunod sunod ang hikbi ko.
Hindi ko inaasahan na Ate pala talaga ang turing niya sa akin at hindi ko inaasahan na gustong gusto niya ako para sa kuya niya. Kasi... mahirap lang naman ako at dating katulong na akisdenteng nabuntis lang.
Nag iiyakan kaming dalawa. Yumakap siya sa akin. Agad ko naman siyang dinaluhan. Hinaplos ko ang likod niya bago ako bumulong. "Salamat... Salamat..." mahinang saad ko.
Marami akong gusto sabihin pero hindi ko mabuka ang aking bibig. Andoon lang kami, iyak nang iyak pero hindi sa malungkot na paraan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman naming dalawa pero ang alam ko lang, umiiyak ako dahil sa kasiyahan.
Naabutan kami ni Silas sa ganoong posisyon. Punong puno ng pagtataka at pag aalala ang kaniyang mukha.
"Why are you two crying? Did you fight?" pang aakusa ni Silas sa aming dalawa.
Kunot na kunot ang noo niya. Kumalas ako sa yakap namin ni Faye. Humibi ako at tumingin sa kaniya. Umiling ako at pinunasan ang aking luha bago tinulungan si Faye na ayusin ang buhok niya na nagkalat dahil sa pag iyak.
"We are not crying, Kuya! This are girls talk, okay?" nabasag ang boses ni Faye nang magsalita pero andoon pa rin ang pagsusuplada sa tono niya.
"Oh..." ayon lang ang nasabi ni Silas bago kami binigyan ng side eye.
Humaba ang nguso ko dahil sa ginawa niya. Kitang kita pa rin ang pagtataka sa kaniyang mukha pero hindi na siya nag usisa pa. Nakikita ko na gusto niya ako tanongin pero pinipigilan niya ang sarili niya.
Tumayo na si Faye kaya ganoon din ang ginawa ko. Suminghot siya at tumingala bago tumawa. "God, we are such a mess!" maarteng saad niya bago bumaling sa akin. "I'm going to take a swim, Ate. Diyan ka muna!" sabi niya bago humalik sa aking pisngi.
Bago pa siya makaalis nang tuloyan ay pinigilan pa siya ng Kuya niya. "Put some ice to depuff your eyes, princess," sabi ni Silas.
Tumango at umirap lang si Faye bago naglakad papalayo sa amin. Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ni Faye at ang papalayo ring... shake niya.
Gusto ko talaga ng ganoon!
Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Silas sa aking bewang. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Humaba ang aking labi at bumagsak doon ang tingin niya pero agad ding binalik sa aking mata ang kaniyang tingin.
"You good, baby?" tanong niya sa akin.
"Oo..." at gusto ko ng shake.
Gusto ko sanang idugtong iyon pero naunahan ako ng hiya kaya oo na lang ang naisagot ko.
Si baby Remi ay nakita kong buhat buhat na ni si Sir Theo. Magkalapit si Ma'am Nisyel at Sir Theo pero nakabusangot ang mukha ni Ma'am at masama ang tingin sa asawa. Galit pa rin ata.
"You sure?" pagdadalawang tanong pa ni Silas sa akin. Nakikitaan ko ng pagkaaliw at kapilyuhan ang mata niya kaya napanguso ako.
Siguro ay tinatawanan niya kami ni Faye sa isip niya. Humaba ang aking nguso at inirapan siya. "Oo nga," saad ko.
Naiinis na ako dahil gustong gusto ko talaga ng shake at hindi ko agad makuha! Magkano ba iyon? Siguro ay nasa 300 pesos yon e ang dala kong pera ay 150 pesos lang!
Tumawa si Silas at pinagpantay ang paningin namin. "Hm, okay," maloko niyang saad sa akin.
Tumingin na lamang ako sa dagat para mawaglit sa isipan ko ang shake na kanina ko pa inaasam. Ilang minuto kaming natahimik pero hindi na ako nakatiis pa.
"Sa tingin mo... magkano ang shake rito? Katulad nung kay Faye kanina," baling ko kay Silas, bahagya pa akong nagulat dahil nakatingin na pala siya sa akin mula pa kanina. Muntik na tuloy magtama ang labi naming dalawa!
"350, baby. Why?" sagot niya sa akin pero ang kaniyang mata ay nakatitig sa aking labi.
Mas lalong bumagsak ang pag asa ko na makakatikim pa ako ng shake na iyon. Walang imik na umiling lang ako kay Silas bago tinignan ang mga taong naliligo sa dagat.
Naapektuhan ang mood ko buong maghapon. Noong nagkekwentuhan sila kasama ang pamilyang Gonzales ay wala akong imik. Lumilipad ang isip ko sa shake na gustong gusto kong matikman. Kapag kinakausap naman ako ni Rohesia ay nasagot pa rin naman ako kahit papaano.
Hanggang sa paghiga sa kama ay hindi na ako nilubayan ng paglilihi sa shake na iyon. Tinignan ko si Ada na nakalagay sa crib sa aking right side at si Silas na nakabaon ang mukha sa aking leeg, tulog na tulog ang dalawa.
Habang ako ito... naiinis at naiiyak na.
Gumalaw si Silas sa aking tabi. Akala ko ay hihiwalay siya sa akin pero mas lalo niyang ibinaon ang mukha sa aking leeg, naramdaman ko pa ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking balat. Humigpit din ang yakap niya sa aking bewang.
Akala ko ay gising na siya kaya medyo natuwa ako dahil akala ko ay naramdaman niya na nasstress na ako sa paglilihi ko pero nagkamali ako dahil hindi na siya muling gumalaw pa.
Napanguso na lang ako at pinilit ang sarili na matulog. Halos tatlumpong minuto kong pinipilit ang sarili ko na matulog pero hindi ko na talaga kaya.
Sa sobrang inis at sa sobrang gusto ko na matikman ang shake na iyon at hindi ko naman magawa gawa ay naiyak na ako nang tuloyan!
Nanginig ang labi ko at may maingay na hikbi ang lumabas sa aking bibig. Pigilan ko man ay hindi ko na magawa dahil kanina pa ako frustrate na frustrate sa shake na iyon.
Humikbi ako at sininok agad. Naramdaman ko ang mabilis na paggalaw ni Silas sa aking tabi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Baby, why are you crying?" tanong niya, nag aalala.
Nakatingin siya sa akin gamit ang kaniyang inaantok na mata. Magulo ang kaniyang buhok dahil sa pagkakatulog at hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.
May panibagong hikbi ang lumabas sa aking bibig. Ngumuso ako at yumakap sa kaniyang leeg habang umiiyak. Hinawakan niya ang aking bewang at binuhat ako papaupo sa kaniyang kandungan.
"What's wrong? Did you had a nightmare?" malambing at paos ang boses na saad niya.
Humaplos ang palad niya sa aking ulo pababa sa aking bewang. Umiling iling ako, hindi pa rin nasagot. Nanginginig pa rin ang labi ko.
"Hmm? What is it then? Huh?" muli niyang tanong sa akin.
"G-Gusto ko ng shake 'yung katulad kay Faye kanina," humihikbi na sagot ko bago itinago ang aking mukha sa kaniyang leeg.
I heard him chuckled pero I was too busy crying.