"Damn it! Mura niya nang pumasok sa master bedroom na siya lang ang natutulog dahil hindi niya mapasunod ang asawa niya.
Mula nang dumating ang asawa sa bahay niya, hindi na siya napakali. Pakiramdam niya hindi na siya makapagpahinga sa kaiisip sa sarili niyang asawa. Lagi na lang nagigimbala ng asawa ang kanyang isip. Naiinis pa siya dahil hindi niya ito mapasunod. Sarili niyang asawa hindi niya magawang mapasunod sa kanya.
"B*llsh*t! Kailan ka ba susunod sa akin Patricia!' Inis niyang saad.
Buong akala niya magiging sunud-sunuran sa kanya ang asawa, kaya wala na siyang sinabi pa nang naisin ng mga magulang nila na umuwi na si Patricia ng San Juan at magsama na sila nito. Akala niya ito pa rin ang dating Patricia na pinakasalan niya dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi naman niya alam na nagbago pala ang pag-uugali nito. Ni hindi na niya ito mapasunod kahit sa simpleng bagay lang.
Isa pa sa pinaka malaking problema niya at ang hindi pagpayag ng asawa na magsama sila sa iisang silid at ma consummate na ang kanilang kasal. Masakit sa kanyang pagkalalake ang tanggian ng asawa niya, lalo na't kilala niya ang kanyang sarili na habulin ng mga babae.
Araw-araw na lang yata sumasakit ang kanyang puson dahil sa asawa. Sino ba naman ang hindi sasakit ang puson kung may maganda, bata at seksi kang asawa na kasama mo sa bahay, pero ni hindi mo mahawakan. Para siyang naman ang pinaglalaruan ng kanyang asawa ngayon.
Malaking pagkakamali ang ginawa niya noong ikasal sila ni Patricia. Dahil pinaalis niya ang asawa na walang nangyayari sa kanila. Mali ang paalisin ito na hindi man niya ito naaangkin kahit isang beses lamang. At ngayong nais na niya itong angkinin nagmamatigas naman na ang kanyang asawa.
Kahit anong mangyari hindi niya papayagan ang asawa na sumabak sa pagmomodelo. Hindi niya nais na may ibang makakita sa dapat ay siya lang. Kung alam nga lang niya na pumasok palang modelo ang asawa niya sa New York ay pinauwi na niya ito agad. Iyon nga lang mali din kasi siya dahil binalewala niya ang asawa sa loob ng dalawang taon. Kaya hindi rin niya ito masisisi ngayon kung hindi na niya ito mapasunod ngayon. Gumaganti ito sa kanya, iyon ang nakikita niyang dahilan sa ginagawa ni Patricia ngayon. Nagmamatigas ito bilang ganti nito sa kanya.
Dahil hindi siya makatulog naisipan niyang lumabas ng silid at uminom na muna ng alak. Weekend na bukas at wala siyang pasok sa munisipyo, sa opisina naman pwede siyang sumaglit roon. Buong araw siyang mananatili sa bahay para na rin makasama ang asawa. Baka naman sa buong araw na magkasama sila ng asawa wala na silang ibang gagawin pa kund di ang magbangayan ng magbangayan.
Paglabas niya ng silid sinulyapan niya ang pintuan ng guest room kung saan naroon ang asawa. Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga at nagtuloy na sa pagbaba ng hagdan.
Sa minibar siya tumuloy pagbaba niya para uminom, para na rin agad siyang makatulog mamaya at hindi na niya iisipin pa ang asawa.
Kumuha siya ng kopita at humila ng mamahaling bote ng alak. Hindi siya magpapakalasing iinom lang siya para makatulog agad.
Uupo sana siya sa may minibar matapos malagyan ng laman ang kopita niya nang mapansing bukas pa ang pintuan patungong hardin. Bukas din ang ilaw doon. Naisip niyang baka nakalimutan ng mga kasambahay o baka nasa may hardin pa ang mga ito at naglilinis. Para na rin makasigurado siya lumakad na siya patungo sa pintuan paea silipin kung may tao sa may hardin.
Napakunot ang noo niya nang marinig ang tila tubig na nagmumula sa swimming pool. Parang may lumalangoy. Alam niyang imposibleng ang isa sa mga kasambahay ang naglakas loob na mag swimming sa swimming pool.
"Eh sino ang nasa swimming pool?' Bulong niyang tanong at lumakad na palabas ng pintuan para alamin.
Bitbit ang kopitang hawak niya lumakad siya palapit sa swimming kung saan may lumalangoy. Bukas ang ilaw sa buong hardin at isama pang malinaw ang buwan dahil bilog ito ngayon.
Kumunot ang noo niya nang makakita siya ng towel at roba sa may upuan malapit sa pool. Mukhang alam na niya kung sino ang nasa swimming pool. Hindi lang siya sigurado kung handa ba siya sa kanyang makikita pag ahon ni Patricia sa tubig.
Malinaw ang tubig sa swimming pool at maliwanag din sa buong paligid kaya naaaninag na niya ang katawan ng asawa. Napalunok siya nang makumpirmang itim na two piece swimsuit ang suot ng asawa sa pag langoy. Nakita rin niyang magaling itong lumangoy.
Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagkagulat nito nang makita siya sa tabi ng swimming pool at nakatingin siya rito nang lumitaw nag ulo nito sa tubig.
"What the h*ll are you doing, Miko!' Galit nitong tanong sa kanya at tinapunan pa siya nito ng tubig.
"Akala ko kase kung sino ang nasa swimming pool, napapunta pa tuloy ako,' he said sabay inom sa kopita niya habang hindi inaalis ang tingin sa galit na galit na mukha ng asawa.
Kahit basang-basa ito at galit pa ang mukha, ang ganda pa rin nitong tignan. Iba ang karisma ng isang Mrs. Patricia de la Cerna. Kahit siya mismo na asawa na nito ay naaakit pa rin ng paulit-ulit. Marahil dahil hindi pa niya ito naaangkin. Kailan naman kaya niya maaangkin ang asawa?
"Tumabi ka nga diyan!" Inis nitong saad sa kanya. Nakatayo kasi siya kung saan ito hahawak para maka ahon sa tubig.
Tumabi naman siya para bigyan ito ng daan, isama pang nais na niyang masilayan ang kasuotan nito.
Hindi naman siya nagsisi sa paglabas niya at paglapit sa swimming pool, nang makita ang basang katawan ng asawa ng maka ahon na ito. Napalunok pa siya at pakiramdam niya nanuyo ang kanyang lalamunan habang walang kurap siyang nakatingin sa magandang katawan ng asawa.
Papasa ngang modelo ito dahil sa magandang hubog ng katawan nito. Isama pa ang may kalakihan nitong dibdib. Hindi lahat ng model may malaking dibdib katulad ng asawa niya.
Lumakad palapit ang asawa sa may upuan kung saan naroon ang roba nito at towel. Wala siyang kurap habang nakasunod sa asawa. Hindi na rin niya mabilang kung ilan beses na ba siyang napalunok habang nakatingin sa asawa. Ramdam na rin niya ang paninikip ng kanyang short sa pag gising ng kanyang alaga. Sa ganitong pakiramdam niya isa lang ang kumpirmado niya. Hindi siya immune sa karisma ng asawa niya at nasasabik na siya rito. Nais na niya itong maangkin.
"Goodnight," Patricia said matapos nitong maisuot ang roba para takpan ang halos hubad na nitong katawan habang pinupunas pa nito ang towel sa basang buhok at mukha.
"Tapos ka ng mag swimming?" He asked.
"Sa susunod ko na lang ituloy, ayoko ng may nanonood sa akin," tugon nito sa kanya at mabilis na itong lumakad palayo.
Nagbuka siya ng bibig, pero walang salitang lumabas mula sa kanya. Nais sana niya itong pigilan muna sa pag alis at samahan siya nito sa hardin. Pero umurong yata ang kanyang dila at wala siyang nasabi para pigilan ang asawa.
"Damn!" Mura niya at niyuko ang short niya para tignan ang kalagayan ng kanyang alaga na galit na galit na sa kanya. Dahil wala siyang magawa para mapagbigyan ito. Nabakante na kasi ang alaga niya mula nang dumating ang asawa. Hindi na siya nakikipagkita kung kani-kaninong babae, dahil kahit ano man ang dahilan ng pagsasama nila ni Patricia asawa pa rin niya ito at nirerespeto niya ito, lalo na't sa iisang bubong na lang sila nito ngayon.