Chapter-26

1736 Words
"Dito na lang po kayo mag dinner, nagpahanda po ako ng kaunti para sa atin," saad ni Miko sa mga magulang niya nang magpaalam na ang mga itong uuwi na bago pa man dumilim sa labas. "Naku salamat, Miko next time sige dito kami mag di-dinner sa ngayon kasi naghihintay si Kate sa amin, baka magtampo iyon," tugon ng Daddy niya kay Miko. Hindi niya nababakas sa mukha ng ama ang malaking problemang kinakaharap nito. Sadyang fighter ang Daddy niya at hindi basta-basta sumusuko sa ano mang laban. Kung iba sa ganitong pagkakataon baka nakamukmok na lang at hindi na malaman ang gagawin, at least ang Daddy niya nakakangiti pa. Hindi mo man maiisip na problema pala ito. "Bukas mag dinner kayo sa bahay tutal wala naman ng pasok sa trabaho. Magpapahanda ako," saad pa ng Daddy niya kay Miko. "Sige po, wala pong problema," agad na tugon ni Miko saka niya naramdaman ang kamay ng asawa sa balikat niya. Inakbayan siya nito. Napalunok siya, kanina pa tila sumisimple ang asawa niya sa kanya. Kanina hinalikan siya nito sa pisngi ngayon naman inakbayan siya nito. Hindi naman niya ito masaway dahil nakaharap ang mga magulang niya sa kanya. Hanggang sa labas inihatid nila ang Mommy at Daddy niya. Hindi pa rin inaalis ni Miko ang kamay nito sa balikat niya. Hanggang sa makasakay na sa kotse ang Mommy at Daddy niya at makalayo na rin ang sinasakyan ng mga ito. Sinulyapan niya ang kamay ng asawa na nasa balikat niya at mukhang napansin nito ang kanyang ginawa kaya agad na nitong inalis ang kamay nito sa balikat niya. "Pumasok na tayo sa loob," Miko said. Tumango naman siya rito. Nauna na itong lumakad papasok sa loob ng bahay. Iniisip niya ngayon kung paano siya hihingi ng tulong sa asawa niya. Paano niya sasabihin na kailangan niya ng isang daang milyon para sa Daddy niya. Tama naman ang Mommy niya balewala lang sa asawa ang ganoong halaga, pero paano naman niya iyon mahihingi ng ganun lang sa asawa niya. Lalo na't hindi naman sila nito magkasundo. Mainit nga ang ulo nito sa kanya dahil pasaway siya at hindi siya nito mapasunod rito. Paano naman siya makikiusap at magmamakaawa sa asawa kung ang atake niya ay palaban, independent, matapang, malakas ang loob at higit sa lahat kaya niyang panindigan ang mga sinasabi ay ginagawa niya. Pero kung hindi siya kikilos paano naman ang pamilya niya. "Magbibihis lang ako para makapag hapunan na tayo," Miko said nang nasa loob na sila ng bahay. "Ah.. Miko, sandali," pigil niya sa asawa. Huminto naman ito sa balak na pag akyat na ng hagdan at sinulyapan siya. Napalunok siya habang nakatingin sa mga mata nito. Hindi niya malaman kunh paano sisimulan ang nais niyang sabihin sa asawa. "May kailangan ka Patricia?" Tanong ng asawa sa kanya matapos ang mahabang sandaling pananahimik niya. "Ah.. eh... Wala... Wala," utal niyang tugon rito. "Are you sure?" Paninigurado pa ng asawa sa kanya. "Yeah, I'm sure," tugon niya saka tumango. "Ok. Magbibihis lang ako para makapag dinner na tayo," Miko said. Tumango na lang siya sa asawa at mabilis na itong umakyat ng hagdan. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit balikat habang nakasunod ng tingin sa asawa. "Hindi ko yata kayang sabihin," kagat labing bulong niya. Nagtungo na siya sa kusina para tignan kung ano ang inihahandang pagkain para sa kanila ng asawa. Dapat nga siya na ang maghanda ng pagkain nila ng asawa, bilang asawa obligasyon na niyang ipagluto ang asawa niya. Pero may mga kasambahay naman kasi na gagawa na non para sa kanila ng asawa. Naamoy pa lang niya ang masarap na pagkain nakaramdam na siya ng gutom. Hindi kasi siya masyadong nakakakain ngayon dahil madalas wala naman siyang gana. Marami kasi siyang iniisip at ngayon dumagdag pa. Tumulong na siya sa pag hain ng pagkain sa komedor para naman malibang siya kahit papano at makalimot sa kanyang problema. Mataas pa nga yata sa kanya ang kanyang problema. Saktong natapos silang mag hain dumating naman na si Miko. Napalunok pa siya nang makita kung gaano ito ka fresh. Nagbihis lang ito ng puting t-shirt at short, isama pang naka tsinelas ito sa loob ng bahay. Malayo sa pormahan nito pag nasa labas ito. Napaka casual lang ng suot nito, magulo pa ang buhok, pero ang gwapo nitong tignan. Kung kanina gutom siya ngayong nasilayan niya ang asawa, para siyang nabusog na bigla. "Hmmm.. Ang bango naman, mapapa extra rice ako nito," nakangiting saad ni Miko. Mas gwapo talaga ang asawa niya pag ngumingiti. "Paborito niyo pa iyan Sir, sinigang sa sugpo," saad ni Manang Nena na siyang nagluto para sa asawa niya. Medyo nakaramdam nga siya ng hiya dahil hindi man niya maipagluto ang asawa. Sa loob ng dalawang taon niya sa New York, bihira siyang magluto, kaya hanggang ngayon hindi pa siya masyadong marunong magluto, lalo na pagdating sa mga filipino foods na kinasanayan na. "Kumain na tayo,' Miko said at sinulyapan siya habang nakatayo sa gilid. "Patricia, maupo ka na,' saad pa nito sa kanya. Tumango siya rito at agad na ring naupo para makakain na sila at makapag pahinga na rin. Medyo naiilang siya pag ganitong matagal niyang kaharap ang asawa. Na i- intimidate siya rito ng husto. "Mabuti na lang at dinalaw ka ng Mommy at Daddy mo," Miko said nang magsimula na silang kumain. "Gusto lang siguro nila kong makita," bulong niya. Hindi naman kasi niya pwedeng isagot na lang na dahil may kailangan ang mga magulang niya sa kanya kaya siya pinuntahan ng mga ito. "Pwede mo silang dalawin kung gusto mo. Ang sabi ko naman kasi sa iyo pwede kang lumabas basta may permisyon ko,' Miko said. "Wala naman akong gagawin sa bahay namin," bulong niya at tinuon ang atensyon sa pagkain. Hindi niya nais pag-usapan nila ng asawa ang pamilya niya. Baka kase madulas siya at masabi na kailangan nila ng isang daang milyon. "Anyway, Patricia, may inutusan na kong tao sa New York para kuhanin ang mga kailangan mo sa paglipat mo ng school dito sa San Juan," Miko said. Hindi na niya kinagulat pa iyon. Ramdam naman niyang hindi na siya pababalik pa sa New York ni Miko. Ikukulong na lang siya nito sa bahay nito hangga't gusto nito. "Saan mo na naman ako balak i enroll?" Walang ganang tanong niya sa asawa. "May sariling university ang pamilya de la Cerna at may mga course naman na babagay sa iyo, Patricia," tugon ng asawa. "Lahat naman na yata sa bayan ng San Juan pagmamay-ari na ng mga de la Cerna," bulong niya. "Parang ganun na nga," tugon ni Miko na may pagmamalaki. Well, kahit naman siya magiging proud siguro dahil ganoon kayaman ang angkan ng mga ito. "Pagdating sa school sige hindi na ko kokontra pa sa iyo, Miko. Pero pagdating sa career ko ako pa rin ang masusunod," she said at sinulyapan ang asawa. "What do you mean by career? Hindi ka pa graduate," Miko said. "I don't know kung alam mo pero sa New York may side line akong modeling, at gusto kong ipagpatuloy dito ang nasimulan ko na sa New York," saad niya sa asawa. "Modeling? You mean nag trabaho ka sa New York bilang model?' Miko asked her. "Yes!" May pagmamalaking tugon niya sabay tango pa rito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib nito. Binaba nito ang kubyertos at nagpunas ng bibig, saka siya nitong tinignan. "Hindi mo nabanggit sa akin na nagtrabaho ka sa New York bilang model," seryosong saad nito sa kanya. "Hindi naman tayo nag usap ni minsan, Miko," tugon niya rito. "Hindi ka nag email katulad ng ginawa mo last time. Wala ka ring nabanggit sa secretary ko," Miko said to her. "Hindi naman kasi importante,' she said. "Importante na malaman ko ang tungkol sa ganoong bagay, Patricia. Pumasok ka sa modeling kung saan binibilad ang katawan para sa mga nanonood hindi ba?' Miko said. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdidiin nito sa salitang binibilad ang katawan. "Miko is not like that!" Depensa niya. "Mas malala pa siguro doon dahil New York iyon, mostly ng mga tao liberated. At hinayaan mong ibilad ang katawan mo sa mga kano na iyon, without my permission. Without your husband permission!' Mariing saad nito. Nasa tinig na nito ang galit. "Mali ang iniisip mo Miko!" She said. "I know what modeling is, Patricia! Mostly ang mga babaeng rumarampa sa stage at pinagpipilian ng mga lalaking nanonood para i take out at gawing s*x slave for a short period of time," Miko said. "Baka ikaw lang ang gumagawa non Miko!" Inis niyang saad sa asawa. Masyadong mababa ang tingin nito sa pag momodelo. Para sa kanya ang modeling ay isang art, lalo na pag may puso. Sa tuwing rumarampa siya hindi ang katawan niya ang pinapakita niya o binabandera kung di ang art na naroon. "Patricia! Huwag mo ngang ibalik sa akin ang usapan!" Saway nito sa kanya. "Wala na rin akong magagawa pa. Nagawa mo na ang ginawa mo sa New York. Pero dito sa Pilipinas hindi ako papayag na mag model ka. Hindi ako papayag na ibilad mo ang katawan mo sa harap ng maraming tao. At ibilad mo ang malaking larawan ng katawan mo sa mga kalsada!" Mariing saad nito sa kanya. "Sino ka para tutulan ang gusto kong mangyari Miko?" Inis niyang tanong rito. Hindi siya papayaga na pati ang pangarap niya at kailangan niyang i give para lang sa asawa niyang tinatago siya at hindi mailabas sa mundo. "I'm your husband, Patricia!" Mariing saad nito sa kanya. Umiigting ang panga nito sa galit sa kanya. Nakaramdam siya ng takot rito lalo nang tignan siya nito ng masama. "This time, Patricia ako ang masusunod. Sa lahat na lang dito sa bahay ikaw ang nasunod. Hindi mo ginagampanan ang obligasyon mo sa akin bilang asawa ko Patricia. Hindi mo ko sinisipingan! And now pati ang pagpasok mo sa pagmomodelo ay ayaw mong magpa awat sa akin! Para saan na lang at asawa mo ko kung hindi ka rin naman susunod sa akin!" Galit na galit na litanya ng asawa sa kanya sabay tayo sa kinatatayuan nito. "Mukhang mali ang naging desisyon kong dalhin ka sa New York mag isa, Patricia," saad pa nito sa kanya sabay talikod at naglakad palayo sa kanya. Wala siyang nagawa kung di sundan na lang ng tingin ang asawa. Masyado siyang natulala at hindi na nagawang magsalita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD