Kinabukasan maaga niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Andrie, nais niyang magpatulong rito sa paghahanap niya ng trabaho bilang modelo. Buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa kaiisip sa isang daan milyong utang ng Daddy niya sa banko na pwedeng kumuha sa bahay nila at iba pang mga ari-arian. May kaunting ipon siya mula sa sagot niya pag nakakapag part time siyang model sa New York, although hindi naman ganun kalaki iyon, pero makakabawas pa rin naman. May mga luxury bags and shoes din siya na nasa Apartment pa niya sa New York ang pwede niyang ibenta pagdagdag sa babayarin. Kung pagsama-samahin ang mga iyon kahit papano mababawasan ang utang ng Daddy niya. Naisip kasi niyang baka hindi naman siya tulungan ni Miko financially dahil wala naman siyang pakinabang rito, isama pang t

