Lumabas sila ni Miko para mag mall ay mamili daw ng mga kailangan niya. Tama naman dahil marami siyang kulang na mga gamit, lalo na't papasok na siya sa school. Tiyak kasi na matatagalan pa bago makarating ang mga gamit niya galing New York. Isa pa hindi naman siya ang nagyayang mamili kay Miko, ito ang nag suggest sa kanya na mamili ng mga kailangan niya gamit ang pera nito. "After mong mamili magkita na lang tayo sa isang coffee shop. Huwag mo na lang akong lalapitan, bahala na ang mga security mo ang lumapit sa akin, para hindi ka na mapansin pa ng ibang tao," saad sa kanya ni Miko habang sakay sila nito sa mamahaling SUV nito. May kasama silang driver at mga security. May mga pinapasama itong security sa kanya dahil baka daw kung saan siya pumunta at maligaw pa. Hindi naman na siya