Madilim na sa buong paligid nang maisipan niyang bumaba para makita si Aila at magkaroon naman siya ng makakausap. May party sa frat house ngayong gabi at wala siyang balak pumunta. Hindi muna niya nais ipakita si Aila kay Jake na alam niyang pinagnanasahan ang dalaga, at kay Jeremiah na mukhang seryoso ang pagtingin kay Aila. Nais niyang protektahan ang dalaga sa dalawang lalaki. Saka na niya ito protektahan sa kanyang sarili. At least mas okay naman siya kesa sa dalawang lalaki. Kilala niya ang kanyang sarili. May konsensya naman siya kahit papaano, hindi katulad ni Jake na ginagamit lang ang mga babae para gawing parausan. Kay Jeremiah naman, hindi nito pwedeng seryosohin si Aila. Hindi pwede dahil ayaw niya. “Manang, si Aila po?” tanong niya sa kasambahay na nakasalubong niya nang

