"Sige na, pumasok ka na sa bahay mo," ani Yana kay Acer pagkatapos niya itong maihatid. Hindi na sila nagtuloy sa bahay ni Don Antonio dahil gabi na rin at hindi naman niya gustong istorbohin ang matanda. "Hindi ka ba papasok?" nakangiting tanong pa nito. Hindi na yata nawala ang ngiti nito sa mga labi simula nang sagutin niya ito. "Sa bahay na ako ni Calvin tutuloy," sagot naman niya sabay turo sa bahay ni Calvin sa tapat niya. Naningkit ang mga mata ni Acer sa sinabi niya. "Matutulog ka diyan sa bahay ng tyanak na iyon?" "Ano naman ang masama, buddy? Kaibigan ko naman na matalik si Calvin,", nakangiting sagot naman niya rito. Napansin niya na talagang tumataas ang dugo nito kapag nababanggit niya si Calvin. Kunsabagay, guwapo talaga si Calvin at malakas ang dating iyon nga lang... hi