"Bakit hindi ka pa natutulog diyan, Olga?" tanong ni Flores sa kanya. Nakahiga ito sa may papag na kawayan at siya naman nagkakape sa may bintana at nakaupo sa silyang kawayan. "Hindi ko alam bigla na lang akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Madalas akong nakakaramdam ng ganito, Flores," mahinang sabi naman niya rito. "Tungkol ba iyan sa ibinalita sa iyo ni Lito na nakalaya na sa kulungan si Yana?" tanong ni Flores sa kanya na tumailid sa pagkakahiga. Tinutukoy nito ang anak na isang pulis. "Hindi ko maiwasan na hindi kabahan, Flores." Tumingin siya sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung alam na ba ni Yana ang totoo. At hindi rin niya alam kung paano ito haharapin kapag nagkita silang dalawa. Kasalanan ni Philip ang lahat ng ito. Kung hindi lang sana siya nito pinaasa noon hin