Mahigpit na hinawakan ni Acer ang kamay ni Yana. Nasa itaas pa rin sila ng rooftop at nasa tabi niya ito na nakaupo sa mahabang steel bench na naroon. Kakatapos lang nilang kumain ng dinner at pareho silang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan na puno ng mga bituwin. "Alam mo bang sobrang saya ko dahil finally sinagot mo na ako," natutuwang sabi niya rito. Hinila ni Yana ang kamay nitong hawak niya at saka humalukipkip. "Hindi pa kita, sinasagot. Ang sabi ko lang kanina mahal kita pero hindi pa kita sinasagot. Hindi mo pa nga ako nililigawan, e. Nakasampung halik ka na sa akin, ha. Bilang na bilang ko!" Sinimangutan pa siya nito. "Ligawan mo muna ako bago ka makalimot!" Nagkamot siya ng ulo ngunit hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Basta sinabi mo na kanina na mahal mo na ak