Dumating si Yana sa bahay ni Calvin mag-a-alas otso na ng umaga doon na rin niya iginarahe ang kanyang motorsiklo. Naglinis muna siya ng bahay ni Calvin bago siya nagtungo sa bahay nila Acer. Siniguro niya na maayos at walang naka-open na mga appliances. Paglabas niya sa gate ni Calvin ay nakita niya sa may garden si Siena na nakaupo sa may swing. Malungkot ang mukha nito at mukhang bagot na bagot na kakahintay sa kanya na dumating. "Siena!" malakas na tawag niya sa pangalan nito. Masigla itong tumayo at saka patakbong nagtungo sa may gate. "Yaya Juris, nandito na po si Yaya Ganda!" natutuwang sabi ni Siena. Mabilis naman na lumapit si Manang Juris na galing pa sa loob ng bahay. May dala pa itong sandok habang palapit sa may gate. Pagkabukas nito ng gate ay biglang takbo ulit sa loob