Kabanata 44

1416 Words

Nakatingin si Yana kay Sir Philip habang hawak nito ang magkabilang balikat niya. Nakatitig din ito sa kanya habang lumuluha ang mga mata. Nakikita ni Yana sa mga mata nito kung gaano ito natutuwa na malaman na anak siya nito. "Yana, ikaw ang anak namin ni Ana. Ikaw ang nawawalang anak ko..." Niyakap din siya ni Sir Philip. "Yana, patawad kung ngayon lang kita nahanap. Ang buong akala namin ng Mommy mo patay ka na... at kasama ka ni Olga sa nasunog na bus dalawampu't anim na taon na ang nakakaraan." Umaagos din ang luha sa mga mata ni Yana habang yakap-yakap siya nito. Hindi niya ito magawang yakapin, hindi man lang niya magawang ibuka ang kanyang mga bibig. Hindi niya masabi rito ang salitang daddy. Wala siyang ibang gustong gawin kun'di makalayo rito. Wala siyang gustong sabihin. Pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD