"Sir Acer, iki-nancel po ni Sir Philip Amara iyong schedule ng appointment ninyo sa kanya ngayon tanghali. May emergency daw po at hindi siya makakarating. Ipina-reschedule na lang niya ang business meeting ninyo, sir," pagbabalita ni Margz sa kanya ang bago niyang secretary. Bumuga nang malalim si Acer mukhang hindi na niya makukumbinsi pa si Mister Amara sa kanyang business proposal dahil nagbago ang isip nito na kausapin siya. May kinalaman na naman siguro rito si Femie. "Salamat sa information, Margz," malungkot na aniya rito. Hahanap na lamang siya ng mga potential investors niya para sa kompanya niya. Hindi niya p'wedeng pabayaan na bumagsak ang Sandoval Wirings dahil maraming empleyado niya ang mawawalan ng trabaho kapag nangyari iyon. Hinawakan ni Acer ang kanyang sintido. "Sir