"Fem, ano ang plano mo ngayon?" tanong ni Angel sa kanya. Kasama niya ngayon sa bahay niya ang mga kaibigan niyang sina Angel, Kate, Lenard at si Smith. Boyfriend ni Angel si Smith habang si Lenard manliligaw naman niya ngunit matagal na niyang binasted dahil si Acer ang mahal niya. Tumabi si Lenard sa kanya. Medyo tipsy na rin siya at hindi na siya pumapalag sa mga paghawak nito sa kanyang hita. "For now... wala pa," sagot niya rito at saka muling nagsalin ng tequila sa shot glass na hawak niya. "Hey, take it easy babe," ani Lenard sa kanyang tabi. Natapon ang tequila na isinasalin niya sa shot glass dahil nahihilo na rin siya. Nginitian niya ito at saka inirapan. "Babe? I hate you! No one loves me." Ininom niya ang laman ng shot glass at saka ibinagsak iyon sa lamesa na wala ng lam