"SINASABI mo ba sa akin Acer na... na sina... Aling Flores at Tita Olga ay... magkasabwat?" hindi makapaniwalang sabi ni Yana habang binabasa ang file report ni Agent Jayson. Ibinalik ni Yana ang folder na hawak niya kay Acer. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin sa kanya iyon ng kanyang tiyahin. Ngayon mas nagiging malinaw na sa kanya na gusto talaga siyang ipakulong noon ni Aling Flores at siya ang itinuturo nitong nagnakaw. Ngunit hindi siya naniniwala na kasabwat ang kanyang Tita Olga. Hindi na ngayon niya naiintindihan ang lahat. Si Tita Olga ang dahilan kung bakit siya nawalay sa kanyang tunay na mga magulang at ito rin ang kasabwat ni Aling Flores? "Nagsisinungaling ka lang, Acer. Baka si Aling Flores lang ang may gawa niyan. Alam ko na kahit na istrikto sa akin si Tita Olga,