"Bakit po kayo napadalaw, 'Lo? At bakit ganyan ang mga mukha ninyo ni Manong Edu? May masamang nangyari po ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Acer. Nakabihis na siya ng office attire dahil papasok siya ngayon sa kompanya niya. Ito ang huling araw na kakausapin niya si Mister Philip Amara tungkol sa proposal niya at gagawin niya lahat upang makumbinsi ito. "Sir Acer, paano po kasi... nakausap namin si Yang kanina... at ganyan na po katamlay si Don Antonio pagkatapos nilang mag-usap sa loob ng van," malungkot na sabi ni Manong Edu. "Bakit naman ninyo kinausap si Yang, 'Lo?" nagtatakang tanong niya rito. Humila ng silya si Lolo Antonio at malungkot na umiling. "Acer, nakadagdag pala ako sa pasakit ni Yang. Magaling si Attorney Guan na siyang humawak sa kaso ni Yana. Mabilis ang proseso ng