Seryoso ang mukha ni Don Antonio nang bumaba ito sa van. Kasama nito si Manong Edu na inalalayan ang matanda. Dali-dali niyang binuksan ang gate at pumasok na ang mga ito. Hindi siya nito binati katulad ng ginagawa nito kapag nakikita siya. Nakatingin lamang ito kay Acer na may hawak na brown envelope. Biglang kinabahan si Yana habang nakatingin dito. "Tatang, kumusta na ho?" magiliw niyang tanong dito ngunit imbes na sagutin siya nito katulad ng dati ay nginitian lamang siya ni Don Antonio. Iba ang kutob niya sa kilos ni Don Antonio. Sigurado na siya na alam na nito ang totoo at baka sabihin nito kay Acer ang nalaman. May hawak iyong brown envelope na sa tingin niya mga documents para sa kanya. Nag-usap ang mga ito sa loob ng bahay. Naiwan naman sila sa garden ni Siena. Ipinasok ni M