Alas syete na ng gabi nang makauwi sila sa bahay ni Acer. Karga-karga ni Acer ang anak nito at siya naman dala ang mga gamit ni Siena na binili ni Acer kanina sa mall. Nagtungo pa sila sa mall na sila lamang tatlo. Unang beses daw ni Siena na mamasyal sa mall at nakita niya kung gaano inalagaan ni Acer ang anak nito. Hindi pa rin nagbabago ang kagustuhan niyang makaganti rito ngunit hindi niya idadamay ang bata dahil wala iyong kasalanan sa kanya. Ngayon na nararamdaman na niyang nagtitiwala sa kanya si Acer mas nagkaroon siya ng pag-asa na mapapasok niya ang kuwarto nito. Tumatakbo ang oras at hindi siya p'wedeng makampante. Hindi niya alam kung biglang isang araw na lang makilala na siya ni Acer at wala na talaga siyang mapala pa. Inilagay niya sa may sahig ang mga paper bag na kinal