NAKIPAGKITA SI PHILIP kina Yana at Calvin sa isang Lutong-Bahay Restaurant sa San Sebastian. Sinabi ng mga ito sa kanya na galing sila nito sa dental clinic. Private nurse niya si Calvin at three years na rin niyang kilala ito. Hindi niya alam pero gustong-gusto niyang makita si Yana dahil napapasaya siya nito. Kaagad na bumati sa kanya si Yana nang makita siya nito. "Sir Philip, magandang tanghali po." "Magandang tanghali naman, Yana. Mag-order na kayo ng lunch, ako na ang bahala," nakangiting sabi niya sa mga ito. Nasa paligid naman niya ang mga private security guards niya. Tumayo si Calvin upang sabihin sa waitress ang kanilang mga orders. Alam ni Calvin ang kanyang mga gusto na pagkain at p'wede sa diet niya. "Mabuti po iyan, sir. Bantay-sarado na po kayo, wala nang magtatangka p