Hindi matanggap ni Femie na ganoon na lang siya kung balewalain ni Acer. Matapos niyang ibigay ang kanyang sarili dito. Labis siyang nasasaktan ngayon at galit na galit siya kay Yana. Gustong-gusto niya itong saktan upang maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Bumangon siya sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone. Inaalam niya kung saan nagtratrabaho si Yana ngayon. Gusto niyang ipakita rito na dapat siya nitong katakutan. Si Angel ang nag-text sa kanya, college friend niya na siyang inutusan niya para hanapin si Yana. Hindi niya rin kilala ang pagkatao ng babaeng iyon kaya kumuha siya ng isang private investigator upang alamin ang tunay na pagkatao ni Yana. Hinihintay pa niya na balitaan siya nito tungkol sa ipinapagawa niya. Kumunot ang noo ni Femie habang bin