Nakahakukipkip sa tapat ng gate si Calvin nang makita ito ni Yana pagbaba niya ng kotse ni Acer. Kaagad niyang nilapitan ito na mukhang feel na feel ang pagiging isang selosong boyfriend. "At bakit mo siya kasama?" galit na tanong kaagad nito sa kanya. "Hubby, magpapaliwanag ako. Kasi---" Nilapitan ni Calvin si Acer at hinawakan ang balikat nito. "Saan mo dinala ang wifey ko, ha?" malakas na tanong nito. Humarap si Acer at saka hinawakan din ang balikat ni Calvin. "Isinabay ko lang siya sa pag-uwi!" Binitawan ni Calvin ang pagkakahawak nito kay Acer at itinulak naman ito ni Acer. Lumapit si Yana sa mga ito upang pumagitna. "Tumigil nga kayo! Halika na, hubby." Hinawakan nito ang kamay ni Calvin. "Yana... good night," nakangiting pahabol pa ni Acer sa kanya bago siya tuluyang pumaso