"Ang sakit-sakit no?" pang-iinis na tanong ni Raniyel habang natayo ito sa likuran niya. Kasalukuyang pinapanuod ni Acer sina Calvin at Yana na masayang nagtatawanan sa second floor ng bahay nito. "Six years ago, ikaw ang biktima kaya ang ginawa mo pinarusahan mo siya. At ngayon ikaw naman ang pinaparusahan niya dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi mo naisip na iyon ang mangyayari ngayon, Acer," pagpapatuloy pa nito. "Kaibigan ba talaga kita, Raniyel? Kung magsalita ka ngayon parang sinadya ko ang lahat. Hindi ko alam na mangyayari ito sa akin at mahalin ko siya ng totoo," malungkot na sambit naman niya. "Tadhana na ang gumagawa ng paraan para parusahan ka, Acer. Tanggapin mo na lang na kahit na ano pa ang gawin mo hindi ka kayang mahalin ni Yang. Napahamak pa siya kagabi dahil sa na