Hinintay ni Yana si Calvin sa labas ng gate nito dahil pauwi pa lamang daw ito galing sa trabaho. Naroon naman sa labas ng garden ni Acer sila Manang Juris at Raniyel na nakatingin sa kanya. Mayamaya pa ay dumating na si Calvin. At nakita siya nito na nag-alsa balutan na nga. "Hello, sir. Sorry, bukod sa iyo wala na akong ibang malalapitan, e," nakangiting aniya rito kahit na ang totoo sobra siyang nahihiya rito. "Here is the key, Yang. Pakibukas na lang ang gate," nakangiting utos naman nito sa kanya. Kinuha niya ang susi dito at binuksan na niya nang tuluyan ang gate nito at saka ito pumasok nang naka-motorsiklo. Isinara naman niya ang gate at muli itong nilapitan. "Sa loob tayo mag-usap," sabi pa nito habang binubuksan ang lock ng main door ng bahay nito. "Sorry, ha. Maiistorbo ko