"Nakatitig na naman ho kayo sa akin, Daddy. Tama na po ang pag-iyak baka mamaya bumaba ng luha dito sa bahay ninyo at bumili na tayo ng bangka," pagbibiro niya rito sabay kamot sa kanyang ulo. "Hindi ko lang kasi kayang isipin na dinanas mo ang lahat ng hirap sa kulungan. Kung hindi ka siguro kinuha ni Olga sa amin ng mommy mo baka katulad ni Femie isa ka ring model o kaya nagtratrabaho ka na sa company natin. Marami akong iniisip anak tungkol sa mga bagay na dapat naranasan mo pero... hindi nangyari dahil sa ginawa ni Olga sa atin. Nagawa niya akong paikutin at naniwala naman ako sa kanya." Hinawakan ni Yana ang kamay ng kanyang ama. "Hayaan na po natin ang nakaraan, daddy. Lumipas na po iyon. Ang importante po ay ang kasalukuyan... masaya po ako na nakilala ko kung sino talaga ang mga