HINDI na sinundan pa ni Acer si Yana habang palayo ito sa kanya. Hinayaan niya itong maglakad palayo. Siguro nga mas mabuting palayain niya ito para hindi na ito nasasaktan. Naaawa siya rito dahil naiipit ito sa pagitan niya at ng pamilya nito. Kahit na masakit para sa kanya hindi na niya ito guguluhin. Pumihit siya patalikod dito at inihakbang ang kanyang mga paa patungo sa nakaparada niyang sasakyan. Mabigat ang kanyang loob na umalis. Ilang ulit siyang nagbuga nang hangin bago siya magpatakbo ng kanyang sasakyan. Imbes na umuwi ay pinili ni Acer na magtungo sa isang bar. Gusto niyang malunod sa alak at panandaliang makalimutan ang lahat. Inihinto niya ang kanyang sasakyan sa isang bar sa gilid ng daan. Pamilyar sa kanya ang bar na kanyang pinuntahan. “Welcome sa Tiramuko, sir. Ano a

