Hindi pa rin makapaniwala si Acer na si Yana ay anak ni Philip Amara. Nakatayo siya sa labas ng bahay nito at inihatid ng tingin si Yana na pumasok sa loob ng bahay. Lumabas naman ng bahay si Femie at sandaling nagkausap ang dalawa. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit hindi nga siya kayang mahalin ni Yana. Alam nito na mahal siya ni Femie at naiintindihan niya kung bakit gusto siya nitong layuan dahil gusto siya ng kapatid nito. Bumuga nang malalim si Acer at hinintay na lapitan siya ni Femie sa may garden. "Nandito ka ba dahil sa business o dahil nandito si Yana? Ngayon na alam mo ng magkapatid kami ni Yana, siguro iniisip mo na kahit na mawala ako sa iyo ay okay lang dahil nariyan naman si Yana. Siya na ang gumawa ng paraan para matulungan ka." Nginisihan pa siya nito. "Jackpot pa