MAGKAHAWAK ang mga kamay nina Ahtisa at ni Kieran habang marahan silang naglalakad papunta sa may terrace sa pangalawang palapag ng mansiyon kung saan gusto niyang tumambay matapos nilang kumain ng tanghalian. “Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa na tayo ngayon,” hindi napigilang wika ni Ahtisa kay Kieran. Lalong humigpit ang hawak ni Kieran sa kaniyang kamay. “Same here, hon. Mayroon pa rin akong hangover sa mga ganap kagabi.” May ngiti sa mga labi na tiningnan niya ang kaniyang asawa. “Hindi pa rin ba nag-si-sink-in sa isipan mo na kasal na tayo?” “Yeah. Saka ‘yong katotohanan na magkakaroon na rin tayo ng anak. Iba pa rin talaga kapag nanggaling talaga sa iyo ang confirmation. Kahit mayroon na akong hint na baka nga buntis ka dahil sa mga weird na mga gusto mo, pero noong c-i

