“ANO’NG SABI ni Zayne, hon?” ngiting-ngiting tanong ni Ahtisa sa kaniyang asawa matapos nitong kausapin si Zayne sa cellphone. Hindi na siya nakiusyuso pa sa pag-uusap ng mga ito. Hinintay na lamang niyang matapos ang naturang tawag bago siya nagtanong dahil nanggaling din siya sa banyo. At paglabas nga niya ay katatapos lang mag-usap ang magpinsan. Iniyakap pa niya ang kaniyang mga kamay sa may batok ni Kieran nang makalapit siya rito. “Sa una, umangal ng husto. As expected,” ani Kieran. Napalabi siya. “Napakaarte naman niya. Ayaw ba niyang sunduin si Yunah?” “Baka raw kasi hindi sumama sa kaniya.” Matapos ang nangyari sa bahay nina Zayne, baka nga mahirapan itong ayain si Yunah na sumama rito papunta sa hacienda. At ang mas matindi pa? Baka magpahatid na lang ang dalaga sa iba. “E

