HABANG pinagmamasdan ni Ahtisa ang kubo, na siyang unang dating spot nila ni Kieran sa hacienda, hindi mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Nang mga sandaling iyon ay nakatayo siya sa may harapan niyon habang pinagmamasdan ang kubo. “Parang kailan lang,” mahina pa niyang anas. “Bakit hindi ka pa umakyat sa kubo?” tanong pa sa kaniya ni Kieran nang lapitan siya nito. Bitbit nito sa magkabila nitong mga kamay ang dala nilang mga pagkain. Na-miss kasi niyang pumunta sa kubo kaya inaya niya roon si Kieran na kaagad naman nitong inoohan. Dahil naging busy rin sila kaya naman ngayon lang talaga ulit nagkaroon ng pagkakataon na pumasyal doon. Nakabalik na rin sa Manila ang pinsan niyang si Val at ang pamilya ni Kieran. Na-settled na rin ang petsa ng kanilang kasal. Sa susunod n

