“‘WAG ka munang lilingon kaagad,” bilin pa ni Kieran kay Ahtisa nang buksan nito ang nakasarang pinto na nasa kaniyang likurang bahagi. Tapos na ang silid na ipina-renovate ni Kieran para sa kanilang dalawa. At sa araw nga na iyon ay lilipat na sila roon. Excited na rin siyang makita ang kinalabasan ng renovation. Pinapalitan din daw ni Kieran ang size ng kama sa silid nito. Mas nilakihan nito para sa kanilang dalawa. At sa hinaharap, natitiyak nito na makikitulog din doon ang mga anak nila kaya naging advance talaga ang isip nito. “Puwede na bang tumingin?” hindi na makapaghintay niyang tanong. Lingon na lingon na talaga ang pakiramdam niya. Nakatayo kasi siya patalikod sa pintuan ng silid ni Kieran na kabubukas lang din nito. “Okay. Puwede na,” nakangiting wika ni Kieran. Huminga mu

