“WALA pa rin,” inporma ni Kieran kay Ahtisa nang lapitan siya nito sa may terrace na nasa pangalawang palapag ng mansiyon. Nang mga sandaling iyon ay nasa mansiyon na sila. Magtatakip-silim na rin kaya ipinatigil na muna ang paghahanap ng ubas sa mga tauhan. Napabuntong-hininga naman si Ahtisa. Mukhang wala siyang magagawa ngayon sa kakaiba niyang cravings. Lumapit siya sa isang upuan at doon ay maingat na naupo matapos tumayo sa may tabi ng pasamano. “Ahtisa,” ani Kieran na naupo sa karatig niyang upuan. Para bang nag-aalala ito nang maalala ang naging reaksiyon niya kanina sa ubasan. “Bukas, maghahanap ulit sila. Padilim na rin kasi kaya ipinahinto na muna ang paghahanap. Hindi pa rin naman tapos tingnan ang lahat ng panig ng ubasan.” “Wala rin naman akong magagawa,” mahina niyang w

