“AT SA PANGATLONG pagkakataon na pinagtagpo ulit tayo ng landas,” patuloy ni Kieran habang ang tingin ay nakay Ahtisa pa rin. “Ipinangako ko talaga sa sarili ko na hinding-hindi na ulit tayo mapaghihiwalay na dalawa. Dahil ako mismo, hindi ako papayag na mangyari pa ‘yon dahil siguradong buong Pilipinas na ang hahalughugin ko makita ka lang.” Ikinurap-kurap ni Ahtisa ang kaniyang mga matang nakatitig sa guwapong mukha ng kaniyang nobyong si Kieran. Pati mga luha sa mga mata niya, hindi rin niya mapigilan sa pagsungaw. Si Kieran iyong tipo ng taong seryoso at hindi mo iisipin na maghahayag ng ganitong klase ng damdamin sa harap ng maraming tao. Higit sa lahat ay sa mismong harapan ng kanilang pamilya. “Hindi rin ako nagbibiro nang sabihin kong hindi na kita pasasamahin pabalik sa Manila,

