HINDI maikakaila ang panlalambot ni Bianca Tan nang makita nito kung sino ang babaeng balak na lapitan ni Kieran. Ikinurap-kurap naman ni Yunah ang mga mata nitong pinamumuuan ng mga luha nang lalong ma-confirm ang nasa isip. Bumalatay rin ang gulat sa mukha nina Lola Alejandra, Don Aurelio, Val, Zayne at iba pa nang makitang nilapitan ni Kieran ang nakatalikod na si Ahtisa na nagkukunwaring abala sa pagkuha ng pagkain sa may buffet table. Pero ang totoo? Wala na siyang mapili talaga dahil nasa iba na ang isip niya. Tumikhim pa si Kieran. “Puwede po bang mamaya na ‘yan?” Parang gustong matunaw ni Ahtisa nang marinig niya ang boses ni Kieran buhat sa kaniyang likuran. Nilapitan nga siya nito. Wala pa naman ito sa kanilang usapan. Iyong i-broadcast siya nito sa mismong kaarawan nito. Pa

