BASTA talaga pagdating sa pagkain, palaging parang nagniningning ang buong paligid ni Ahtisa. Ngayong buntis siya, ganoon talaga ang epekto niyon sa kaniya. Pero last na itong magtatakaw talaga siya dahil sa susunod na mga araw, balik na ulit siya sa mga healthy na pagkain. Sa ngayon, susulitin muna niya ang party na iyon ni Kieran. Alam din naman niya na kailangan niyang ingatan ang kaniyang sarili dahil nagdadalang-tao siya. Bawal din naman siyang lumubo ng husto dahil tiyak na maaapektuhan ang kaniyang kalusugan. Siya rin ang mahihirapan. Babalik talaga siya sa mga gulay at isda very soon. Sa table na malapit sa may pica-pica pa rin siya naupo kasama si Yunah. Hindi na niya ito inaya pa sa table na kinaroroonan ng kaniyang pinsan at ng kaniyang Lola Alejandra dahil kasama ng mga ito

