ANG MGA ngiti sa mga labi ni Ahtisa ng mga sandaling iyon ay walang paglagyan. Nahawa na siya sa masayang ngiti ni Kieran. Sandali pa siyang napatitig sa kaniyang kamay na mayroong suot na singsing sa may palasingsingan niya. Hindi iyon panaginip lang. Totoong engage na siya kay Kieran. Wala sa hinagap niya na sa mismong kaarawan ng kaniyang nobyo ay mag-aalok din ito ng kasal sa kaniya. Hindi na tsismis ang kakalat na nagbabalak ng magpakasal ang apo ni Don Aurelio Sullivan dahil lahat ay saksi nang gabing iyon. At para kay Ahtisa, iyon na yata ang pinaka-magical na gabi na kaniyang naranasan sa buong buhay niya. Muling nagpasalamat si Kieran sa lahat. Kapagkuwan ay binalingan ng tingin si Ahtisa. “Tingin mo ba, tapos na ang surpresa ko para sa iyo?” bulong pa ni Kieran sa may banda

