HAPON na naman at nawawalan na ng pag-asa si Ahtisa na makakakita pa ng hinog ng ubas ang mga tauhan nina Kieran sa hacienda. Grabeng abala na rin ang ginawa niya sa mga tao. Soon, aaminin din naman niya kay Kieran kung bakit umabot siya sa punto na halos mag-iiyak pa para lang sa hinog na ubas sa ubasan. Sigurado naman siya na mauunawaan din siya ni Kieran. “I’m sorry,” ani Kieran kay Ahtisa habang magkatabi silang nakaupo sa camping chair na dala rin nila kanina sa may manggahan. Parang maging ito, nawawalan na rin ng pag-asa na mayroong makakakita ng hinog na ubas sa ubasan. “Imposible talaga na magkaroon ng hinog ng ubas dito ngayon.” Si Ahtisa, nakatitig lang sa malawak na ubasan. Hindi dahil umaasa pa siya na makakatikim siya ng fresh na ubas, mula sa ubasan. Pero dahil gusto na

