TAHIMIK lang si Ahtisa. Pero alam niya, kanina pang nakikiramdam sa kaniya si Kieran. “Pasensiya na kanina kay Yunah, hija,” apologetic pang wika ng Mama Corazon ni Zayne kay Ahtisa nang tabihan siya nito ng upo sa may sofa sa back porch. Kimi lang na ngumiti si Ahtisa sa Ginang. Kahit naibsan ang galit at inis niya kay Kieran dahil sa nangyari kanina, hindi pa rin nawawala ang inis niya sa naturang babae. Dinaig pa talaga nito ang ginawa niyang stunt noon kay Kieran. Ang kaibahan lang nila ni Yunah ay wala silang audience ni Kieran nang bigla na lamang niya itong halikan dahil sa inis naman dito noon. Walang nakakita sa ginawa niyang paghalik dito. Samantalang si Yunah, wala man lang itong pakialam kung marami man ang makakakita sa ginawa nito. Nainis na naman ang pakiramdam niya. “

